Pakli ni Lei Yuan: "Takot? Ang kalusugan ng aming ama ay hindi bumubuti habang ang aking
ikatlong kapatid ay walang silbi at ang ikaapat na kapatid ko naman ay maayos ang pakikitungo
sa aking panganay na kapatid. Kung hindi ako lalaban habang ang aming ama ay narito pa, ay
hindi ako magkakaroon ng kahit kaunting pagkakataon sa hinaharap!"
May dalawang rason kung bakit ang Spirit Battle Tournament ngayong taon ay ipinagkaloob na
pangasiwaan ni Lei Chen. Una, dahil ang Emperor ay nais na matuto si Lei Chen at pangalawa,
dahil ang kalusugan ng Emperor ng Yan Country ay unti-unting humihina na sa araw-araw.
Isang malaking pangkat ng Imperial Physicians ang naroon sa palasyo upang gamutin ang
karamdaman ng Emperor. Mukhang payapa ang Yan Conutry sa labas ngunit sa loob, ay unti-
unting naglalabasan ang mga problema.
"Huwag mo isipin na wala akong alam tungkol doon. Alam ko na ang aking Royal Elder Brother
ay nakatuon ang pansin sa babae mula sa War Banner Academy na may pangalan na Qu Ling
Yue, at ang dalagang iyon ay anak ng Grand Chieftain ng Thousand Beast City. Ang aking Royal
Elder Brother ay may balak na pakasalan ang dalagang iyon upang makuha niya ang Grand
Chieftain ng Thousand Beast City, tingin mo hindi ko napapansin iyon? Sinasabi nglahat na siya
ay isang palakaibigan at mabait na tao ngunit ang lahat ng iyon ay hindi totoo." Hindi gusto ni
Lei Yuan si Lei Chen mula sa kaibuturan ng kaniyang puso at sa iba, si Lei Chen ang nararpat na
magmana ng trono, ngunit para kay Lei Yuan na tumandang kasama si Lei Chen, nakita niya
ang tunay na pagkato ni Lei Chen. Kung dumating ang panahon na makuha n ani Lei Chen ang
trono at hindi pa rin nakakaipon ng lakas si Lei Yuan upang protektahan ang kaniyang sarili,
ang tanging pagpipilian na lamang niya sa mga panahong iyon ay kamatayan.
Para sa proteksyon ng kaniyang sarili, at isugal ang lahat, lumabas si Lei Yuan upang kunin ang
nag-iisang pagkakataon na makuha ang tao mula sa Dragon Slayers Academy.
"Kung may ganoong uri ng plano ang Crown Prince sa kaniyang utak, ay mas dapat tayong
maghinala kung ano ang tunay na motibo niya sa pagpapakita ng kakaibang pag-aalaga sa
Zephyr Academy. Hindi pa ganoon katagal ng magkaroon ng usap-usapan na ang marangal na
Headmaster ng Zephyr Academy, si Wen Xin Han, ay nagtagumpay na makuha ang purple
spirit?" mabilis na sagot ng tagapaglingkod.
Naningkit ang mat ani Lei Yuan at ang labi niya ay nabahiran ng ngisi.
"Kahit na gustuhin niyang makuha ang Zephyr Academy, dapat ay makita muna niya kung may
pagkakataon ba siya na magawa iyon! Ang marangal na Headmaster, si Wen Xin Han, ng
Zephyr Academy ay tunay na nakakabilib, ngunit ayon sa aking alam, si Wen Xin Han ay
malapit sa Grand Adviser ng Yan Country. Sa tingin mo ba na si Wen Xin Han, na malapit sa
Grand Adviser na si Wen Yu ay makukuha ng aking Royal Elder Brother sa kaniyang mga
plano?"
Natigilan ang tagapaglingkod: "Ang Kamahalan, ang Crown Prince ay may hindi
pagkakaunawaan sa Grand Adviser?"
Kinagat ni Lei Yuan angkaniyang labi, naalala niya na masyado na siyang maraming sinabi.
Pinandilatan niya ang tagapaglingkod at sinabing: "Bakit ba ang dami mong tanong? Ang mga
taong maraming alam ay madalas na hindi nabubuhay ng mahaba."
Namutla ang mukha ng tagapaglingkod at mabilis na tumahimik.
Walang interes si Lei Yuan sa Zephyr Academy sa halip ay sa Dragon Slayers Academy siya
nakatuon. Kaya wala siyang pakialam ni kaunti sa upang protektahan si Jun Xie, ngunit sa halip
ay hinihintay niya na gumalaw na ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy. At ang
mangyayaring iyon ay ang nais niyang makita.
Kung hindi nagpursige si Lei Chen sa bagay na iyon, ay hindi na mahalaga kung anuman ang
rason niya kung bakit pinili niya ang Zephyr Academy dahil siguradong babagsak iyon. At kung
masasabihan niya ang Dragon Slayers Academy sa pangyayari, ay mabuti iyon para sa kaniya
na siya ay nasa kabilang panig kasama ang Dragon Slayers Academy, at mas mapapadali para
kay Lei Yuan na makuha ang Dragon Slayers Academy.
Sa sobrang kasiyahan, pinapanood ni Lei Yuan ang mga kaganapan sa hardin, ang mata niya ay
punong-puno ng kagalakan. Hinhiling niya na ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay
patumbahin at patayin sa kinatatayuan nio ang munting bata mula sa Zephyr Academy at
angpangyayaring iyon ay walang duda na magiging isang kasysayan.
Ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay patuloy sa pagbato ng mga sarkastikong salita
at insulto kay Jun Xie ngunit wala silang mkuha na kahit anong reaksyon mula dito. Nang
kanilang mapagtanto na sila ay hindi binibigyang pansin, ay nagdulot ito ng matinding galit sa
kanila. Nang tingnan nila ang malamig at maliit na walang ekspresyong mukha nito, ay
nagsimula na maramdaman nila na sila ay walang halaga. Niliitan nila ang bilog na nakapalibot
sa munting bata, at handa na silang turuan ang mangmang at pipi na munting bata ng leksyon
na hinding-hindi nito malilimutan.