webnovel

Ang Paghahanda sa Laban (5)

編輯: LiberReverieGroup

Hindi inasahan ni Gu Ying at Ning Rui ang naging tugon ni Jun Xie. Ang eksenang inilarawan nila

sa kanilang diwa at ang matagal ng inaasam ng kanilang mga puso ay hindi nangyari.

Tumayo si Gu Ying, nakaramdam siya ng pagkadismaya ng tumingin siya kay Ning Rui at sinabi:

"Ang malisosyong pagpapatawa mo ay walang saysay." mabilis na siyang tumalikod, umalis si

Gu Ying upang maabutan si Jun Wu Xie.

Bumakas sa mukha ni Ning Rui ang matinding galit at kumibot ang sulok ng kaniyang labi.

Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at bigla ay binaligtad ang lamesa kaya lahat ng

pagkain doon ay tumapon kay Fan Jin.

Nakahiga si Fan Jin sa isang tambak na nasa lupa, ang kaniyang katawan ay patuloy pa rin sa

panginginig.

"Dalhin mo siya pabalik doon! Wag mo kalimutan na linisan at palitan siya ng damit.

Siguraduhin mo na walang mapapansin na kahit ano si Wen Xin Han."sighal ni Ning Rui.

Napaurong si Gongcheng Lei ngunit mabilis siyang tumango at nilapitan na ang masangsang na

si Fan Jin upang kaladkarin.

Nang makabalik si Jun Wu Xie sa kakahuyan ay madali siyang nagpunta sa kaniyang kuwarto at

isinara ang pintuan. Dumating si Gu Ying at nais na kausapin si Jun Wu Xie ngunit mariin itong

tumanggi.

Nakaupo sa may lamesa si Jun Wu Xie ng marinig niya ang papalayong yabag ni Gu Ying. Dahil

sa matinding galit ay naramdaman niya na kinakapos siya ng hininga, mutik na siyang mawalan

ng kontrol. Ang kaniyang kamao na nakakuyom ng mahigpit ay nasa lamesa, hindi niya

napansin na ang mga kuko niya ay bumaon sa kaniyang palad at ang dugo ay nagsimula ng

dumaloy sa ibaba ng kanyang kamao.

"Meow." Ang itim na pusa ay nagpakita. Nararamdaman nito ang matinding galit sa puso ni

Jun Wu Xie at lumapit ito upang ikiskis ang kaniyang katawan sa kamay ni Jun Wu Xie, dinilaan

din nito ang sagot ni Jun Wu Xie.

"Nagkamali ako." Biglang sinabi ni Jun Wu Xie.

Ang itim na pusa ay naupo sa lamesa at tumingin sa malamig na mga mata nito.

"Ngayong gabi dapat ako nakipagkita kay Wen Xin Han." hindi maintindihan ni Jun Wu Xie

kung bakit nag-aapoy siya sa matinding galit. Pakiramdam niya ay parang may isang malaking

batong nakadagan sa kaniyang dibdib, at ginusto na niya tumakbo palapit kay Ning Rui upang

pagpira-pirasuhin ito.

"Matatapos ang lahat bukas. Magwawakas ang lahat bukas. Bukas, kapag malinaw na ang

kasagutan kung mayroon pa bang iba na mula sa Middle Realm sa mga tauhan dito sa Zephyr

Academy ay magagawa mo ng kumilos." Nagpatuloy ang itim na pusa na ikiskis ang sarili nito

sa braso ni Jun Wu Xie. Bukod sa matinding galit na nararamdaman ni Jun Wu Xie, ang itim na

pusa ay nararamdaman din sa kaniyang Mistress ang kagustuhan na pumatay ngunit matinding

pagpigil ang ginagawa ng Mistress upang hidni iyon gawin.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jun Wu Xie, sinikap nitong pakalmahin

ang sarili sa kagustuhang pumaslang.

[Bukas, mag-antay kayo bukas!]

Kinaumagahan ay kumatok si Gu Ying sa kuwarto ni Jun Wu Xie. Nagawa ng huminahon ni Jun

WU Xie at ng makita niya si Gu Ying ang kaniyang mukha ay kalmado at walang maaninag na

ekspresyon katulad noon.

Silang dalawa ay umalis na upang pumunta sa departamento ng Spirit Healer. Hiniling ni Jun

Wu Xie na muling kausapin si Gu Li Sheng ng mag-isa at iyon ay ikinibit-balikat lamang ni Gu

Ying.

Nang umalis siya sa kakahuyan kahapon at nagtungo sa departamento ng Spirit Healer ay wala

siyang napansin na kakaiba. Alam niya na ang pinag-usapan nila Gu Li Sheng ay hindi lamang

walang-kabuluhan ngunit nagawa itong itago ni Jun Wu Xie sa kaniya ng mabuti. Hindi pa rin

niya nagawang madiskubre kung ano ba ang tunay na plano ni Jun Xie at gusto na niyang

pagbigyan ang kaniyang kagustuhan na gumawa ng aksyon.

Lingid sa kaalaman ni Gu Ying, si Jun Wu Xie ay parating maingat at maselan sa kaniyang mga

plano at hindi niya kailanman hahayaan si Gu Ying na bigyan ng panahon na madiskubre o

malaman iyon.

Pumasok ng mag-isa si Jun Wu Xie sa loob ng opisina ni Gu Li Sheng. Sinulyapan ni Gu Ying ang

loob ng kuwarto at ng makita na tanging si Gu Li Sheng lamang ang nasa loob ay ngumiti siya at

isinara na ang pintuan, nagsalita siya sa kaniyang sarili bago siya lumayo sa kuwarto.

Nang maisara ang pintuan, ang pilit na ngiti sa mukha ni Gu Li Sheng ay madaling napawi.

Nagmdali siyang lumapit sa nakasarang pinto at idinikit ang tenga doon, mariin siyang nakinig

ng ilang sandali. Nang masiguro niya na wala na si Gu Ying na maaaring lihim na makinig sa

kanila ay nakahinga siya ng maluwag at nagawa ng ngumiti kay Jun Wu Xie.

"Ikaw si Jun Xie?" isang estrangherong boses ang narinig niya sa kaniyang isip. Itinaas niya ang

kaniyang ulo at nakita niya si Wen Xin Han na nakasuot ng asul na roba palabas sa isang lihim

na taguan sa likod ng mga aklatan.

下一章