webnovel

Ang Muling Pagkikita (5)

編輯: LiberReverieGroup

"Nakita mo si Jun Xie?" tanong ni Ning Rui, napansin niya sa sulok ng kanyang mga mata ang

duguang kamay ni Gu Ying. Ang dugo ay basa pa at ilang patak ang tumulo sa sahig.

Naupo si Gu Ying sa upuan at itinaas ang mga paa nito sa lamesa. Tumingin siya kay Ning Rui at

tinatamad na sumagot: "Oo at is apala siyang dating kakilala."

Napatalon ang puso ni Ning Rui at tumingin sa gawi ni Gu Ying ang mukha niya ay

nagtatanong.

Tumawa si Gu Ying: "Hindi ko inaasahan na iyon pala si Jun Xie."

Hindi nagsalita si Ning Rui.

"Mananatili muna ako sa kakahuyan. Bahala ka na maghanap kay Fan Zhou at kung kailangan

mo na ako ay hindi ako tatanggi." saad ni Gu Ying kay Ning Rui.

"Sige." pagsang-ayon ni Ning Rui.

"Tanging si Gu Li Sheng at Jun Xie ang dapat maiwan sa Zephyr Academy at ang iba ay maaari

ng ipadala sa Heaven's End Cliff. Kailan mo balak gawin iyon?" tanong ni Gu Ying kay Ning Rui

na biglaang tumingin sa kaniya at nangalumbaba. "Matagal na mula ng mamatay si Fan Qi at

ang Zephyr Academy ay nasa ilalim na ng iyong pamamahala. Gaano mo pa balak patagalin

ito?"

Nagsisimula ng mainip si Gu Ying.

Napalunok si Ning Rui at madaling sumagot: "Hindi ko kinakaladkad ang aking mga paa.

Ngunit... naririto pa si Wen Xin Han sa Zephyr Academy. Ang unang plano ay ibato lahat ng

bintang ng pagpatay ni Fan Qi kay Fan Jin at magagawa ko na paslangin si Fan Jin bago ko

ipamalita sa lahat ang pagkamatay na rin ni Fan Zhou. Magagawa ko na sanang ipadala ang

mga disipulo sa Heven's End Cliff kung naitalaga na akong Headmaster ng Zephyr Academy.

Ngunit dumating si Wen Xin Han sa eksaktong pagakakataon at kinuha si Fan Jin sa ilalim ng

kaniyang proteksyon. At dahil naririto siya, anumang bagay ang aking gawin ay maaari niyang

ipahinto dahil siya ang honourary dean at meron siyang autoridad."

Ang rason kung bakit hindi pa gumagalaw si Ning Rui ay hindi dahil sa siya ay nakokonsensya

ngunit dahil sa katotohanan na sa ilalim ng mapagmatyag na mata ng honourary dean ang mga

kilos niya ay napipigilan.

Tumaas ang kilay ni Gu Ying. Nakita na niya si Wen Xin Han. Kahit na ito'y matanda na lagpas

sesenta siya ay isang purple spirit!

Kahit na kaya ni Gu Ying itaas ang kaniyang spirit power sa purple level ay hindi kailanman nito

kayang pantayan ang isang tunay na purple spirit level. At kahit siya ay isang napakayabang at

walang hiya, hinding hindi niya tatangkain na hamunin si Wen Xin Han sa isang laban.

"Hindi ba't sabi mo na si Wen Xin Han ay nagmamaya-ari ng indigo spirit?" walang pasensyang

palki ni Gu Ying.

Sa nagdaang siglo, ang Lower Realm ay hindi pa nakakita ng isang purple spirit. Saan nagmula

itong si Wen Xin Han?

"Yan… ay hindi ko alam. Isa talaga siyang indigo spirit. Hindi ko inakala na magiging purple

spirit siya." Nanghihinang sagot ni Ning Rui.

Ang hindi inaasahang pagdating ni Wen Xin Han ang nagpagulo sa plano nila at tanging si Gu

Ying lamang sa kanilang grupo ang pinapunta sa Zephyr Academy. Ang ibang kasamahan ni Gu

Ying ay wala sa paligid at hindi sapat na dakpin ang isang tunay na purple spirit gamit lamang

ang kapangyarihan ni Gu Ying.

At iyon lamang nag tanging dahilan kung bakit nabubuhay pa si Fan Jin hanggang ngayon.

Isang tunay na purple spirit lamang ang naging dahilan kung bakit kailangan ni Ning Rui at Gu

Ying na suriin muli ang mga sitwasyon.

"Umisip ka ng paraan para mapaalis siya." bagot na sabi ni Gu Ying.

Sumagot si Ning Rui: "Bumuo na ako ng grupo upang tingnan ang bagay na yan. May apo si

Wen Xin Han na may malubhang karamdaman. Dati siyang nagtrabaho kasama ang Qing Yun

Clan upang maisalba ang kaniyang apo at ngayon ay wala na ang Qing Yun Clan at tanging si

Mu Chen ng Cloud Treading Peak na lamang ang natira. Kumuha na ako ng mga tao na

hahanap kay Mu Chen. Oras na makita natin siya ay sasabihin natin iton kay Wen Xin Han at

siguradong mas uunahin niya ang buhay ng kaniyang apo at lilisanin ang Zephyr Academy

upang makita si Mu Chen."

Tumango si Gu Ying at simpleng sumagot: "Ayusin mo na lang ng mabilis."

"Oo." Sagot ni Ning Rui.

Tumayo na si Gu Ying upang umalis at pagdating niya sa may pintuan ay huminto siya.

Lumingon siya kay Ning Rui at nakangiting nagtanong: "Ang upuang yan kung saan may

namatay, hindi ba't napaka komportableng maupo?"

Nanigas si Ning Rui at umalis si Gu Ying na malakas ang pagtawa.

下一章