Matapos matauhan si Mu Qian Fan, kinausap siya ni Jun Wu Xie patungkol sa pagpunta sa Heaven's End Cliff.
Nang marinig iyon, nagulat si Mu Qian Fan!
"Hindi pwede! Binibining Jun, hindi sa hindi kita dadalhin doon, ngunit ang lugar na iyon ay nakakatakot at walang masyadong nagtatagal doon. Puno iyon ng mga patibong at kakaibang lason, ang maliit na pagkakamali ay pwedeng maging sanhi ng pagkamatay. Pag-isipan niyo, binibini!" Nagmakaawa si Mu Qian Fan.
"Kailangan naming pumunta doon. At kailangan mo lang ipakita ang daan."
Giniit ni Mu Qian Fan ang kanyang mga ngipin para magmakaawa pa, ngunit hindi niya nabago ang isip ni Jun Wu Xie. Wala na siyang nagawa: "Kung gustong pumunta ng Binibini sa Heaven's End Cliff, sasama ako, kundi ay hindi ko ipapakita ang daan papunta! Nakapunta na ako doon at mas kilala ko ang lugar."
Determinado si Mu Qian Fan. Handa siyang isuko ang lahat kung may madaanan silang anumang peligro, para mailigtas ang Binibini.
Hindi tumanggi si Jun Wu Xie.
Sinabi ni Mu Qian Fan kung nasaan ang Heaven's End Cliff.
Mula sa Chan Lin, papunta dito, dalawang linggong paglalakbay at lubusang gagaling ang mga sugat ni Mu Qian Fan.
Nang makasigurong pupunta si Jun Wu Xie at ang mga kasama niya sa Heaven's End Cliff, agad na naghanda si Mu Qian Fan para sa lakbayin. Nakapunta na siya doon dati, kaya alam na niya ang mga kailangan niyang dalhin.
Napakalamig sa baba ng Heaven's End Cliff at kung wala silang mainit na damit, hindi magtatagal, maninigas ang mga katawan nila. Bukod pa rito, mausok dito na hanggang sa ilalim ng Heaven's End Cliff ang abot, na tatagos sa mga damit nila at magpapahirap pa sa lamig.
Sa paghahanda nila, kailangan nila ng tamang damit para manatiling mainit laban sa alinsangan at lamig.
Bagaman maraming tindahan ng damit sa Chan Lin, lahat ng mga tindahan ay para sa mga disipulo ng Akademya, at maraming mapagpipilian, yun nga lang, mapresyo ang mga ito.
Maraming naisip si Mu Qian Fan na magagamit nila, ngunit ang pagbili ng mga iyon ay mapresyo, at hindi mabibili ng walang perang tulad niya. Kung mayroon siyang ganitong pera, hindi na sana namatay ang mga kapatid niya.
Nang makitang nangangailangan siya ng pera, agad na pinadala ni Jun Wu Xie si Hua Yao sa Almoneda para tanggapin ang pera sa pagtinda ng mga Spirit Stone na iniwan nila doon, at i-abot ang mga elixir niya para isubasta.
Nang makita ni He Chang Le si Hua Yao, nagliwanag ang mga mata niya na parang nakita niya ang Diyos ng Kayamanan at muntik na siyang mapaluhod sa harap ni Hua Yao. Sa buong proseso, hindi na masyadong nagsalita si Hua Yao at hinanda na ni He Chang Le ang lahat para sa kanya. Para mapanatili ang kliyenteng ito, tatanggapin niya ang anumang iiwan ni Hua Yao para issama sa pagsusubasta, at walang kukuning kumisyon ang Almoneda ng Chan Lin, at isusubasta ang lahat ng libre. Ang Almoneda ng Chan Lin ay hindi takot na mawalan dahil ang mga taong inaakit ng mga elixir ay mas mahalaga kaysa sa lahat. Basta't may pumunta sa Almoneda ay mas may tubo pa sila kaysa sa pagsusubasta.
Nang makabalik si Hua Yao sa tuluyan nila, binagsak niya ang mga ipon nila sa mesa, at nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu sa dami ng perang nasa harap niya at naglaway.
"Tangang Qiao, hanapin mo muna ang mga kailangan kasama si Mu Qian Fan." Kinuha ni Jun Wu Xie ang pera, at nang hindi na tinitignan, sinaksak ang mga ito sa kamay ni Qiao Chu.