Sa ilalim ng ilaw ng buwan, nakatitig lang sa isa't isa ang dalawang tao. Kumakain si Qiao Chu sa tabi ng apoy, ang mga mata niya'y mas nalilito habang pinapanood ang dalawa.
Nanatili ang dalawa ng ganoon at mukhang nakatulog si Jun Wu Xie.
Kahit na wala siyang kapatid, hindi niya mapigilang isipin na 'kakaiba' ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Anong kuya ang matagal humawak sa kanyang kapatid at iba ang tingin sa kanya?
"Hindi magkaparehas… Hindi talaga magkaparehas…." Mahinang binulong ni Qiao Chu sa kanyang sarili.
Sinulyapan ni Fei Yan si Qiao Chu, at naglagay ng inihaw na hita ng kuneho sa harapan nito, hinarangan ang pamboboso nito.
"Ano?" Natauhan si Qiao Chu habang nakatitig sa mabangong hita ng kuneho bago magtanong kay Fei Yan.
Nainis si Fei Yan.
"Titigan mo pa sila't luluwa ang mga mata mo."
Namula ang mukha ni Qiao Chu, at naubo siya ng ilang beses.
Nakita ni Fei Yan ang mukha ni Qiao Chu: "Bale, iniisip ko kung bakit ka nakatitig sa kanilang dalawa, wag mong sabihing may iba kang intensyon kay Little Xie? At nakatitig ka dahil sa inggit?"
Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu sa gulat habang nakatitig kay Fei Yan. Mabilis na namutla ang kanyang namumulang mukha, at umiling siya na parang laruan na tambol ng isang bata.
"Alam mo bang ang mga salitang iyan ay pwedeng pumatay sa akin?! Paano ko magagawang isipin iyon?! Malinis at dalisay ang aking puso! Huwag niyo akong itulad sa madudumi niyong utak!"
Hindi na kailangang sabihin, si Jun Wu Xie ay nakikita lamang niyang "kakampi sa pagaklas" at kung may iba siyang naiisip patungo sa kanya, mamamatay siya diba? Sa kalupitan ni Jun Wu Xie, kaya siyang durugin ng kuya nito gamit ang maliit lang nitonog daliri!
Masyado niyang pinahahalagahan ang sarili niyang buhay para ipahamak ang kanyang sarili sa pakikisama sa delikadong magkapatid!
"Dahil inaangkin mong wala kang ibang balak, eto, bigyan mo sila ng hita ng kuneho." Ngumiti si Fei Yan, halatang may balak.
Sinulyapan ni Qiao Chu si Fei Yan, at dinagdagan pa ni Fei Yan: "Kapag hindi mo inabot, mayroon ka nga talagang balak."
Wala nang gustong gawin si Qiao Chu kundi sakalin ang bading.
"Dadalhin ko! Tingin niyo ba takot ako?!" Dinukot ni Qiao Chu ang inihaw na hita at tumayo, dahan-dahang lumapit kay Jun Wu Xie.
Sinulyapan ni Fei Yan at Rong Ruo ang bawat isa at ngumiti.
Napailing nalang si Hua Yao sa kabila ng apoy.
Malapit na si Qiao Chu nang biglaang tumigil ng sandali, at naglakad papalapit kay Jun Wu Xie at Jun Wu Yao.
Tinaas ni Jun Wu Yao ang ulo niya, at ang kanyang mga mata ay nakangiting nakatingin kay Qiao Chu.
Ang ekspresyon sa harap niya ay mabuti, ngunit hindi alam ni Qiao Chu kung bakit siya kinikilabutan.
"Erm… Eto, para sa inyo… pagkain. Wala pa kayong kinakain." Nanginginig si Qiao Chu sa takot habang nakatingin kay Jun Wu Yao.
Ngumiti si Jun Wu Yao: "Salamat."
Nanigas si Qiao Chu. Ang ngiti ni Jun Wu Yao ay walang bakas ng sama ng loob, kahit na siya, bilang isang lalaki, ay natuwa sa ngiting iyon. Ang takot na nakakapit sa kanya, ay biglaang naglaho sa hangin.
Kuya ni Wu Xie… hindi naman siguro ganoon kanakakatakot…
Iyon ang naisip ni Qiao Chu.
"Hindi na kailangang magpasaamat…" Walang laban sa magagandang tao, napangiti si Qiao Chu at agad na bumalik sa mga kasama niya.
Nawala lahat ng takot niya kay Jun Wu Yao.
Hinawakan ni Jun Wu Yao ang hita at linapit ito sa bibig ni Jun Wu Xie.