Ang parehas na ginagalang na Gu Li Sheng at Fan Qi ay lumapit at sinabi ang katotohanan patungkol sa mga pangyayari at ginamit ang kanilang reputasyon para magpatotoo sa integridad ni Jun Xie. Kumpara sa mga pagrarason sa likod ng mga sabi-sabi, ang mga ebidensya na pinakita ng dalawa ay mas mapagkakatiwalaan!
Ang isa ay ang Puno ng pakultad ng Spirit Healing, at ang isa naman ay ang Punong Tagapagturo ng buong akademya. Ang dalawang ito, na mayroong matataas na posisyon, ay may mas mataas na awtoridad kaysa sa lahat ng nasa loob ng akademya, at hindi na nila kailangang magpakahirap para ipaglaban ang isang tahimik na bagong-magaaral ng walang rason!
Sa panahong iyon, ang lahat ng masasamang pangalang tinawag kay Jun Xie ay nawala. Wala nang naglakas ng loob na idugtong si Jun Xie sa mga sabi-sabing iyon!
Ang naramdaman ng mga disipulo ngayon patungo kay Jun Xie ay hindi na galit o pandidiri, kundi pagkamangha sa binata.
Hindi nila inakalang ang katotohanan ay lalabas sa ganitong paraan!
Ang kanilang kinasuklaman at sinumpa, ay ang biktima ng buong akademya!
Sa katotohanan, ang talagang nang-agaw ng posisyon sa pakultad ng mga Spirit Healer ay si Li Zi Mu at hindi si Jun Xie!
"Magpapatotoo rin ako! Malayo si Jun Xie sa mga sabi-sabing kumalat patungkol sa kanya! Kundi dahil sa kanya, hindi ako makakalabas mula sa Battle Spirits Forest ng buhay! Isang payat at mahinang binata ang lumabas at nagsalita.
"Magpapatotoo rin ako!"
"Ako rin!"
Mabilis na magkakasunod, mahigit sampung disipulo ang lumabas mula sa grupo ng mga disipulo. Lahat sila ay kasama sa grupo ni Li Zi Mu nang pumasok sa Battle Spirits Forest.
"Ako ang nabilin na tagapagturo ni Li Zi Mu mula pa sa simula. Noon, katulad ako ninyo na naniwala sa lahat ng sinabi ni Li Zi Mu, at mali ang pagkakaintindi kay Jun Xie. Ngunit hanggang sa Spirit Hunt ko nakita na nagkamali ako! Ang kasuklam-suklam ay hindi si Jun Xie, ngunit si Li Zi Mu!" Ang binatang nagbantay kay Li Zi Mu ay nagsalita, at sinabi sa lahat ang talagang nangyari sa Battle Spirits Forest, at walang iniwang kahit isang detalye.
Ang kanyang mga sinabi ay ang mga mismong nangyari. Nang walang-awang sinumpa si Jun Xie, sinubukan niyang ipaglaban si Jun Xie noon.
Ngunit, dahil ordinaryong disipulo lang siya, walang naniwala sa kanya!
Ngunit ngayon, nagbago ang mga pangyayari!
Ang mga parehas na salitang iyon, nang sabihin sa harap ng mga kabataan ngayon, ay nagdulot ng malakas na usapin sa lahat ng mga disipulo!
Hindi nila inakalang si Li Zi Mu ay napakababaw at walang hiya. Maliban sa kanyang pag-agaw sa posisyon ni Jun Xie, nagkalat pa siya ng mga sabi-sabi patungkol sa mga 'balak' ni Jun Xie. Iniwan pa ni Li Zi Mu ang kanyang mga ka-grupo noong Spirit Hunt na nasaktan ng subukan siyang tulungan. Sa unang pagkakataon, kumapit agad siya sa makapangyarihang Fan Jin at tinanggap agad siya ni Jun Xie ng walang masamang-loob!
Ang katotohanan ngayo'y naglibing sa pangalan ni Li Zi Mu sa putikan at nalinis ang pangalan ni Jun Xie!
Ang lahat ng kabataang nanira kay Jun Xie noon, nanumpa, at nagnais na ipatanggal si Jun Xie mula sa akademya, ay napalibutan ng kabigatan, at pagsisisi, at nawalan ng lakas ng loob na tignan man lang si Jun Xie.
Sa panahong iyon, ninais nilang bumuka nalang ang lupa, at lunukin silang buo, na itago sila mula sa hiya at pagsisising nararamdaman nila, habang namumula ang kanilang mga pisngi.
Wala silang maharap, at nakita nila kung gaano sila katanga.
Naakit sila ng mga maling sabi-sabi, at naniwala sa mga narinig nila. Kahit na ang katotohanan ay hindi pa napapaliwanag, sumunod sila sa mga sabi-sabi, at palaging dinumihan ang pangalan ni Jun Xie.
Katulad ng sinabi ni Gu Li Sheng. Ang kanilang mga kilos, ay nagdala ng kahihiyan sa pangalan ng Akademyang Zephyr!
Pinanood ni Gu Li Sheng ng may tuwa ang mga reaksyon ng mga disipulo sa harap niya. "Ngayon, sa harap ng lahat ng nandito, nais ko muling, imbitahan si Jun Xie, na bumalik sa pakultad ng Spirit Healing. Sana'y tanggapin mo ito." Nagtanong ng mapagkumbaba si Gu Li Sheng habang nakatingin kay Jun Xie, medyo nakababa ang kanyang ulo, para ipakita ang kabigatang kanyang naramdaman, patungo sa maliit na binata.