webnovel

Perks of Being Cute (1)

編輯: LiberReverieGroup

Nakuha naman ni Qiao Chu kung bakit inutusan ni Jun Xie ang Black Beast na patayin si Li Zi Mu. Planado na ito lahat ni Jun Xie simula pa lang.

Totoo iyon, na sa Battle Spirits Forest, madalas na inaatake ang mga disipulo ng mga Spirit Beasts. Kung hindi sila makakaiwas, marami ang mamamatay dito.

Sa mata ng mga taga-main division, ang kanilang grupo ang pinakamahina. Ang tanging may kakayahan lang sa kanila ay si Fan Jin, ngunit hindi sila kayang protektahan lahat ni Fan Jin.

Kaya naman, ang pagkamatay ni Li Zi Mu ay posible talagang mangyari.

"Tuso, napakatuso noon." Halos humandusay na si Qiao Chu sa komplikadong takbo ng utak ni Jun Xie. Siguro ay napag-isipan na ito lahat ni Jun Xie noong siya ay pumayag na sumali si Li Zi Mu sa kanilang grupo.

Tinapunan lang ni Jun Xie ng malamig na tingin si Qiao Chu at hindi nagsalita.

Mas iniisip niya ang kaniyang pagtatagumpay sa kaniyang spiritual power. Bago niya silain ang Silver Wolf, siya ay matagal na nanatili sa orange level spirit. Patuloy siyang humihigop ng spiritual energy pero ang kaniyang level ay hindi naman umaangat. Sa kaniyang pagsulong, nailabas ang lahat ng naipon na spiritual energy at tila sumabog ang kaniyang spiritual power. Kahit na kakatungtong lang niya sa yellow level, nararamdaman niyang hindi siya ganon kalayo sa pag-abot sa green level.

Nakakaalarma din ang bilis ng paglakas ng kaniyang kapangyarihan.

Mahigpit na hinawakan ni Jun Wu Xie ang Spirit Prison. Kung siya ay muling bibig Yan ng pagkakataon, siya ay muling sisila ppa ng isa na nanamang ring spirit bago matapos ang Spirit Hunt.

Hindi sinabi ni Jun Wu Xie sa iba ang kaniyang intensyon, nawala na sa usapan ang tungkol doon.

Mas madaling akyatin ang Battle Spirits Forest sa umaga kaysa sa gabi, ang mga checkpoint na nakalagay sa mapa ay madaling mahanap. Ang maliit na grupo ay may maganda nang progreso. Ang mababang antas na Spirit Beast ay nakisali sa kanila ngunit agad naman nila itong itinapon na walang kahirap-hirap.

Mas lalong tumatagal si Fan Jin sa grupo, mas lalo siyang nagugulat. Una niyang naisip na ang pagiging kasali ni Jun Xie sa grupo ay malaking tulong. Ngunit di pa man nagtatagal ay nasaksihan na niya ang kakayahan ni Qiao Chu at ng mga kasamahan nito. Sigurado siyang wala ni isa sa grupong ito ang mas bababa ang kakayahan kaysa dito.

Ang pang-apat sa hanay ng Zephyr Academy's Spirit Tournament ay hindi makapagsalita dahil sa mga disipulong ito na galing sa branch division. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matatawa.

Kinakatay nila lahat ng Spirit Beasts na humaharang sa kanila at mabilis ang kanilang pag-usad. Bago magtanghali, nakarating sila sa gilid ng lawa at napagdesisyunan nilang magpahinga muna.

"Tawagin niyo ang Yin Yang Bear at ang Double Headed Bone Snake." Kakatigil lang nila nang agad na humarap si Jun Wu Xie kina Qiao Chu at Hua Yao.

Napansin nina Qiao Chu na parang nagdududa si Li Zi Mu kay Jun Xie kanina na kaya nitong pagalingin ang pinsalang natamo ng YIn Yang Bear. Nang kanilang marinig ang sinabing iyon ni Jun Xie, agad nilang tinawag ang kanilang mga ring spirit na walang pag-aalinlangan.

Dahil ginamot na ni Jun Wu Xie ang YIn Yang Bear kanina, mas alerto ito kaysa sa Double Headed Bone Snake. Hindi nila alam kung dahil ba sa pagpapagaling ni Jun Wu Xie dito kanina, pero agad itong lumapit kay Jun Wu Xie nang ito ay tawagin ni Qiao Chu. Para itong maliit na burol nang ito ay umupo dahil sa malaki nitong katawan. Inabot nito ang mabalahibong kamay kay Jun Wu Xie.

Sumunod ay biglang namula ang mukha ni Qiao Chu.

"Lintek! Hindi ba maaaring mahiya ang mata bang iyan!? Para itong sumusunod sa utos ng iba bukod saakin! Nakakahiya!" Alam ng lahat Malian kay Qiao Chu kung ano ang tumatakbo sa damdamin ng Yin Yang Bear sa kasalukuyan. Hinihiling ng Yin Yang Bear na siya ay gamutin at ang pag-abot nito ng kamay ay ibig sabihin ay nagbibigay ito ng kapalit!

[Hahayaan kitang hawakan ako, pagalingin mo ang mga pinsalang natamo ko.]

下一章