webnovel

Spirit Hunt (1)

編輯: LiberReverieGroup

Si Ning Xin ay nasa kaparehong kalesa ni Yin Yan. Habang naglalakbay, ang mga mata ni Ning Xin ay nakatuon sa tanawing makikita sa labas ng bintana ng kalesa at sinabing " Sigurado ka ba na nandito si Jun Xie?"

Sumagot si Yin Yan "Oo, sinisiguro ko. May mga tauhan akong nagmanman kay Fan Jin. Kahit megyo huli nang dumating si Jun Xie, nakasakay pa din siya sa huling kalesa kasma si Fan Jin."

"Oh?" bumaling sa kaniya si Ning Xin, ang kaniyang magandang mukha ay naiintriga. "Pumunta nga siya. Mukhang naging epektibo ang mga ginawa mo para mapapunta siya rito."

Ngumiti si Yin Yan ngunit hindi sumagot, ang nakiyang puso ay napuno ng poot.

Hindi niya makakalimutang ang mga sinabi ng mga disipulo ia ipinasabi ni Jun Xie sa kaniya. 

Tinawag siya ni Jun Xie na isang aso!

Ang nakakuyom niyang mga kamay ay naitatago ng kaniyang manggas, ang kaniyang mata ay puno ng galit at pagkamuhi.

Hinayaan niyang maging kampante si Jun Xi eng ilang araw pero sa oras na makarating sila sa Battle Spirits Forest, sisiguruhin niyang hindi na ito lalabas dito nang buhay!

"Kahit hindi naman makakasagabal si Jun Xie, huwag nating bakewalain ang kakayahan ni Fan Jin. Kailangan natin ng iilang tao upang makita natin ang kanilang kakayahan." Babala ni Ning Xin. Pagraan ng ilang sandal, nagpatuloy siya "Ang basurang si Li Zi Mu ay nandito rin. Siya ang gagawin nating paunang pain. Maaring walang kenta ito ngunit ang kaniyang ring spirit ay hindi rin masama. Ikalimang antas ng ring spirit, saying ito sa isang walang kwnetang katulad niya.

"Tama. Kakausapin ko siya mamaya tungkol dito. Hindi rin siya nakikita ni Senior Ning nitong nakaraan." Sabi ni Yin Yan. Hindi niya muling nakita pa ang hangal na ito at sa tagal nito sa Spirit Healer Faculty, hindi pa rin ito makuhang matutunan ang Spirit Healing. Isa talagang walang kwenta.

Ang walang kwentang ito ay matagal nang inabandona ni Ning Xin.

Malamig na tumawa si Ning Xin at nagsabing "ang hangal na iyon ay gusto akong makita?"

"Huwag mo palang kalilimutan na sabihin sa kanilang ingatan sa paglalakbay nila Jun Xie sa Battle Spirits Forest. Mas maganda kung mapupwersa nila si Fan Jin na protektahan nito si Jun Xie para mas lalo nating masira ang pangalan ni Fan Jin." Malisyosong wika ni Ning Xin.

"Masusunod, Senior Ning!"

Sa wakas ay natapos din ang paglalakbay patungo sa bukana ng Battle Spirits Forest. Madalas, ang pagpunta dito ay inaabot ng isang araw.

Lahat ng mga disipulo na nasa kani-kanilang kalesa. Ang naging paglakbay nila habang umaalog sa loob ng kalesa ay nakakapagod. 

May gumawa ng apoy at ang mga pagod na disipulo ay hinahapong umupo paikot dito habang kumakain at umiinim nmainit nainumin. 

Pagkarating ng huling kalesa, dalawang pigura ang bumaba mula rito at lumingon ang mga nasa tabing disipulo, ang lahat ng mata ay nakatuon sa maliit na pigura. 

"Pwe! Paanong ang walang hiyang iyan ay nakuha pang pumarito? Matagal ko na siyang hindi nakikita at akala ko ay umalis na siya at hindi na babalik oang muli." Hayag ng isa sa mga disipulo sa malakas na bulong.

"Ano ang kaniyang ginagawa rito? Hindi niya baa lam na ang Spirit Hunt ay peligroso?"

"Peligro? Dapat ang iba ang binabalaan mo at hindi ang taong iyon. Hindi mo ba nakikilala kung sino ang kaniyang kasama? Siya ay si Fan Jin! Ikaapat noong nakaraang Spirit Battle Tournament! Kung siya ang gagabay sa maliit na taong iyon sa loob ng ilang araw sa loob ng gubat ay parang laro nalamang rito. AT kung makakapatay ka ng Spirit Beast, maari kang makakuha ng spirit stones. Si Fan Jin ang sa harap at ang maliit na iyon ay mananatiling nasa likod at pumulot ng mga spirit stones ng walang iginagalaw na mga daliri, bakit hindi niya gugustohin pumunta?

"Ano kaya ang nakikita sa kaniya ni Senior Fan? Mukha namang walang kwenta ang batang iyon pero pinaprotektahan pa din ni Senior Fan.

下一章