Inalog ni Fan Qi ang kanyang ulo at sinabi: "Siya ang pinili ni Gu Li Sheng, may tiwala ako sa kanya."
Nagulat si Fan Jin.
"Ama! Alam niyo?!"
Tinignan ni Fan Qi ang kanyang anak at sinabing: "Matanda na nga ako, pero hindi ako tanga. Tingin mo ba'y nang wala ang pagsangayon ko, magagawa ni Gu Li Sheng ang ginawa niya? Hindi lang iyon ang alam ko. Alam ko rin ang lahat ng masamang mga sabi-sabi na kumakalat. Baka gusto mong malaman, ako mismo ang nagbigay ng esmeraldang sagisag ng pakultad ng Beast Spirit."
Matapos marinig ni Fan Jin ang mga salita ng kanyang ama, natawa siya.
"Dahil may tiwala ang ama sa pagkatao ni Jun Xie, madali nalang ayusin ang mga bagay! Maganda nga ang mga mata ni Tito Gu, ang pinili niyang disipulo ay hindi masukat gamit ang pamamaraan sa mga normal na kabataan. Ama, payagan niyo nalang si Jun Xie!"
Sa ilalim ng pagpipilit ni Fan Jin, pumayag rin si Fan Qi na panandaliang gamutin ni Jun Xie ang kondisyon ni Fan Zhuo, ngunit kapag may lumitaw na sitwasyong hindi kaya ni Jun Xie, kailangan niyang sabihan agad si Fan Qi at Fan Jin, at hindi pwedeng magtago ng anumang tungkol sa kondisyon ni Fan Zhuo.
Matapos makuha ang kanyang sagot, nakangiti si Fan Jin na lumabas sa opisina.
At nakatago malapit sa opisina, nakahawak parin si Ah Jing sa pisngi niyang namasa, naisip na nabiktima siya habang pinapanood ang paalis na anyo ni Fan Jin.
Nakita niya ang masayang Fan Jin at lumubog ang kanyang puso. Base sa kanyang reaksyon, natakot siyang naniwala ang punong tagapagturo sa kwento niya, at ang ibig-sabihin noon ay mananatili si Jun Xie sa aserang kawayan.
Nang maisip iyon, nangamba si Ah Jing
Kahit na naniwala ang punong tagapagturo sa mga kasinungalingan ni Jun Xie, sino pa ang makakapagligtas sa amo niya?!
"Ah Jing? Bakit ka nandito?"
Biglaan, may boses na tumunog sa likod ni Ah Jing.
Nagulat si Ah Jing at agad na tumalikod. Nakita niya ang isang medyo nakatatandang lalaki na halos kasing-edad ni Fan Qi, na nakatingin sa kanya.
"Pangalawang Punong Tagapagturo!" Napagtanto ni Ah Jing kung sino ang lalaki at agad itong binati.
Kumaway ito at nakita ang pamumula sa pisngi ni Ah Jing. Tinanong nito ng may kaunting gulat: "Anong nangyari?"
Namula ang mga mata ni Ah Jing nang makita ang mahinhin na tingin ni Punong Ning.
Ning Rui ang pangalan niya at siya ang pangalawang punong tagapagturo ng Akademyang Zephyr. Siya ay kapwa disipulo ni Fan Qi, parehas silang binantayan niya. Kilala siyang magaling at walang kinikilingan.
Napuno ng pagaalala ang isipan ni Ah Jing para sa kalagayan ng kanyang amo at nagmakaawa: "Punong Ning, tulungan ninyo ang aking amo!"
"Inatake si Zhuo?" Kumunot ang noo ni Ning Rui nang magtanong sa pagaalala.
Umiiyak si Ah Jing at ang kanyang ilong ay inuuhog habang kinekwento ang bawat pangyayari kay Ning Rui. Si Ning Rui ang pangalawang punong tagapagturo at malaki ang tiwala sa kanya ni Fan Qi. Umasa si Ah Jing na pwedeng kausain ni Ning Rui si Fan Qi at kumbinsehin ito na paalisin si Jun Xie sa aserang kawayan.
Pagkatapos makinig kay Ah Jing, nagulat si Ning Rui.
"Ang pagtitiwala kay Zhuo sa isang labing-apat na taong gulang ay parang isang kamalian." Rinason ni Ning Rui.
"Hindi lang iyon, ang reputasyon ni Jun Xie sa akademya ay hindi na bababa pa! Paano nila ipagkakatiwala ang aking amo sa kamay ng ganoong tao?! Baka naguluhan lang ang punong tagapagturo." Sinabi ni Ah Jing habang umiiyak.
Inaliw ni Ning Rui si Ah Jing at nangakong kakausapin si Fan Qi para makita kung magbabago ba ang isip nito.
Matapos makuha ang katiyakan ni Ning Rui, naginhawaan si Ah Jing. Pinasalamatan niya si Ning Rui at umalis habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Habang pinapanoof ang likod ni Ah Jing na nawawala, ang simpatya sa mga mata ni Ning Rui ay agad na nawala, at walang iniwang bakas.