webnovel

Paninirang Puri (6)

編輯: LiberReverieGroup

Tumingin lahat sa pinanggalingan ng boses at nakita si Yin Yan na nakangiti kay Fan Jin at Jun Xie, na paalis palang.

Nang makita nag puting esmeraldang sagisag sa dibdib ni Yin Yan, alam ng lahat kung saang pakultad siya galing.

Isang disipulo mula sa pakultad ng mga Spirit Healer ang lumabas!

Sinabi kanina ni Fan Jin na may hindi pagkakaintindihan, at ang kanyang kakaibang posisyon at reputasyon ang rason kung bakit nagdududa ang ilang mga senyor kung totoo ba ang mga sinabing pangyayari ni Li Zi Mu. Ngunit ngayon, isang disipulo mula sa pakultad ng mga Spirit Healer, na pinanggalingan ng kaguluhan, ay lumitaw, at humatol kay Jun Xie sa kanyang hindi paghingi ng tawad.

Ano ang ibig-sabihin noon?

Ibig sabihin ba noo'y lahat ng disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer ay nakakaalam ng katotohanan sa kung ano nga ba ang nangyari, at mayroon silang magandang rason para pahirapan si Jun Xie?

Ang mga timbangan na nabalanse na ni Fan Jin, ay nagulo nanaman ng pagdating ni Yin Yan.

Napatitig si FanJin kay Yin Yan ng may simangot.

Tumigil si Jun Wu Xie sa kanyang kinaroroonan at tinignan ang kasama niya sa kwarto na nagpapaliyab muli ng mga namamatay na baga.

Dalawang beses palang nagkakasalubong si Jun Xie at Yin Yan, ngunit sapat na iyon para malamang may sama ng loob si Yin Yan patungo sa kanya.

Dahan-dahang lumapit si Yin Yan sa pares. Nang makita niyang nakatingin na ang lahat sa kanila matapos ang kanyang sinabi, natuwa siya sa kanyang puso.

Magsisimula palang ang palabas.

"Ang iyong pamamagitna ay nagpakita na ikaw ay nagaalala at nagbabantay sa iyong alaga. Ngunit kung nais mong kalimutan ng lahat ang nangyari dahil lang sa pakeaam mong iyon, walang masyadong makukumbinse. Kung may kamaliang nagawa, dapat parusahan ang may sala. Ang pag-agaw ng pwesto ni Li Zi Mu sa pakultad ng ng mga Spirit Healer ay nagpapatunay na mali si Jun Xie, at kahit na hindi siya parusahan, kailangan parin ang paghingi ng tawad niya. Kung hindi, hindi ba't iisipin ng mga tao na ang Akademyang Zephyr ay hindi alam ang tama at mali? Dahil lang binabantayan mo ang isang disipulo, ibig-sabihin na noo'y pwede na niyang gawin ang anumang kamalian ng walang takot? At ipalunok lang sa mga biktimang disipulo ang kahihiyan?"

Hindi mabilis o mabagal ang mga sinabi nig Yin Yan, at bawat salita ay natanim sa puso ng bawat naroroon.

Pinalabas ng mga salita ni Yin Yan na ginagamit ni Fan Jin ang kanyang pangalan at posisyon sa akademya para burahin ang mga kamaliang ginawa ni Jun Xie at para sumuko si Li Zi Mu.

Ang kanyang nakalalason na mga salita ay umapak kay Jun Wu Xie at tumuklaw rin kay Fan Jin.

Sa inaasahan, pagkatapos niyang magsalita, sumabog ang mga bulong ng mga hula't debate sa bulwagan.

Nangitim ang mukha ni Fan Jin. Maaaring inampon siya ng punong tagapagturo, ngunit hindi siya umasa sa pangalan niya para matapos ang anumang nais niyang tapusin. Sa halip, ang kakaiba niyang sitwasyon pa ang nagtulak sa kanya para mas maghirap kaysa sa iba, at lumaban para mas maging mahusay bago pa siya makilala.

Ngunit ang mga salita ni Yin Yan ay nagbabalewala sa taon niyang paghihirap.

"Yin Yan, alam mo ba ang sinasabi mo? May patunay ba ang sinuman na sinadya ni Jun Xie ang lahat ng iyon? Maraming hindi pagkakaintindihan sa mundo, kaya paano mo alam na hindi ito isa sa mga iyon?" Tinanong ni Fan Jin ng nanliliit ang mga mata, habang inaawat ang galit na namumuo sa kanyang looban.

"Oh? Mula sa mga sinasabi ni Senyor Fan. ibig sanihin ba noo'y alam ni Senyor Fan ang katotohanan? Nais ko sana itong marinig. Kung mali lang ang pagkakaintindi ko kay Jun Xie, hihingi ako ng tawad sa kanya. Kung hindi, kung nagtangka ngang gumawa pa ng gulo si Jun Xie sa mga nararating na panahon, hindi ba't iisipin niyang nakabantay sa kanya si Senyor Fan at hindi matatakot sa mga parusa?" Sinabi ni Yin Yan ng nakangiti. Nang nakita niyang nakasimangot na si Fan Jin, naaliw si Yin Yan.

Nakatupi ng husto ang kilay ni Fan Jin. Kung alam niya ang katotohanan, sinabi na niya ito at hindi na hinayaang pabagsakin ng mga kabataan si Jun Xie ng ganito.

Ngunit ngayon lang niya nalaman ang mga pangyayari at sa kung ano nga ba ang talagang nangyari, wala pa siyang oras para malaman ito.

Nagtutulak parin si Yin Yan, hindi nagpapakita ng pagbitiw sa usapan.

下一章