"Papagalingin ko siya." Determinado namang saad ni Jun Wu Xie. Noong sila ay nasa Phoenix Academy, hindi siya nakahanap ng paraan at nakaasa lang sa tubig ng Heaven's Spring. Ngunit ngayon ay personal niyang nasaksihan technique ni Gu Li Sheng bilang Spirit Healer at gusto niyang matutunan iyon.
Kiniskis ng itim na pusa ang sarili sa kamay ni Jun Wu Xie.
...
Ang tatlong araw para sa enrollment sa Zephyr Academy ay tapos na. Gaya ng inaassahan, mas marami ang napunta sa branch division, samantalang nasa sampu lang ang natanggap sa main division.
Pumasok si Jun Wu Xie sa main division kasama ang sampu pang mga disipulo. Ngunit sa buong oras na iyon na sila ay nakapasok, siya ay itinutulak ng mga ito palikod ng grupo.
Ang insidenteng pinaanyayahan siya ni Gu Li Sheng ay kumalat sa mga kabataang iyon. Lahat ng mga natanggap sa main division ay lubos nang pinagpala at hindi nila maiwasang tumaas ang tingin sa kanilang sarili kumpara sa iba. Nang sila ay naparito sa Zephyr Academy, pinupuntirya talaga nilang makapasok sa Spirit Healer faculty ngunit nalaman nilang ang isang bata ay naagaw na ang pwesto na para sa kanila. Hindi nila matanggap iyon.
Ang taong gumigiya sa mga bagong disipulo ng Zephyr Academy ay nasa labing-walo o labing-siyam na taong gulang at may suot itong Jade badge na inukit sa hugis ng tatlong bituin. Hindi ito nagsasalita at kahit na may sumabay dito para siya ay kausapin, malamig lang nito iyong tinitigan.
Ang Zephyr Academy ay pinanindigan ang kanilang pangalan na kabilang sa mga nangungunang academy sa balat ng lupa. Ang bawat arkitekturang makikita ay halatang pinagkagastusan. Nanlalaki ang mga mata ng mga bagong disipulo sa pagkamangha sa karangyaan habang inililibot ang paningin sa kanilang dinaraanan.
Sa wakas ay nakarating sila sa malaking bulwagan, doon tumigil ang batang kasama nila. Humarap ito sa mga bagong disipulo at nagsalita na walang ekspresyon sa mukha: "Ang mga bagong tanggap na disipulo ay tuturuan ng aming senior disciples."
Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas ang sampung naggagandahan at naggwa-gwapuhang kabataan. Ang edad nila ay naglalaro sa labing-walo hanggang labing-siyam na taong gulang mayroon din ang mga ito ng jade badge na inukit sa tatlong bituin.
Matagal nang tradisyon sa Zephyr Academy na ang mga bagong disipulo ay tuturuan ng kanilang seniors para sila ay maging pamilyar na simula pa lang. Ang pribilehiyong iyon ay para sa kanilang mga nakaasa lang sa pagsubok noong enrollment at agad na natanggap sa main division. Para sa mga nasa branch division naman, wala sa kanilang aalalay.
Dahil sa kanilang nalaman na sila ay nakasandal sa kanilang mga senior sa mga susunod na araw, sila ay matamang tumingin sa mga grupo ng senior disciples na nasa kanilang harapan.
"Ito ba ang mga bagong disipulo para sa taong ito. Wala akong nakikitang espesyal sa kanila." Sabi ng isa sa mga disipulo habang huihikab. Mukha itong hindi masaya na imentor ang mga bagong tanggap na juniors.
Ang maging mentor ng mga bagong disipulo ay maganda sa pandinig, ngunit sa katanuyan, isa iyong gawain na iniiwasan ng lahat ng mga senior.
Para sa mga kabataang bagong tanggap sa Zephyr Academy, wala silang kaalam-alam sa mga tuntunin dito. Ang mga senior ay hindi lang obligado na ipaliwanag ang mga tuntunin dito, kundi ay obligado din silang magbawas ng oras sa kanilang sariling pagsasanay para gabayan ang bawat junior nila. Para s kanila, ang trabahong ito ay walang kwenta at pag-aaksaya lng ng panahon, higit sa lahat, sila ay mananatiling mentor nila sa loob ng dalawang taon.
Hanggat hindi sila mismong pinili sa trabahong iyon, hindi sila magkukusang loob na tanggapin ang gawaing iyon.
Dahil sa dahilang iyon kaya ganon na lang kung ituring ng mga senior disciples ng Zephyr Academy ang kanilang mga bagong tanggap na disipulo.
At dahil wala nang magagawa ang mga senior disciples agad silang pumipili ng disipulo na para sa kanila ay hindi gaanong kahirap patunguhan.
Simple lang ang kanilang pamantayan sa pagpili. Iyon ay base sa mga edad ng mga ito. Kapag mas matanda, ibig sabihin non ay mas hindi kailangan ng mga ito ng gabay. At kapag mas bata, mas dapat itong tutukan.