webnovel

Ika-anim Na Sampal (4)

編輯: LiberReverieGroup

Isa sa mga mukha ng Elders ay bakas ang matinding galit sa nasaksihang madugong eksena at nakikita niya lamang ito sa mga napapanood na kakatakutan. Nang narinig nya ang sigaw ni Qin Yue ay bigla siyang natauhan at gumalaw siya para tumawag ng tulong.

Ngunit, bago pa man siya makalabas sa pinto ay may isang malaking anino ang tumamabad sa kanya at hindi nagawa nitong pabalikin siya sa loob.

Ang isang malaking halimaw ay nakaharang sa labasan at ang ulo nito ay nakababa sa kaniya. Binuksan nito ang kaniyang panga, at nagpakita ng kaniyang pangil! Ang Elder na muntik ng mawalan ng malay ay napaangat ang tingin sa pinto! Nang nakita niya ang itim na halimaw ay nawala ang lakas ng kaniyang mga paa para muling makatayo.

Nagdanak ng dugo sa silid at ang mga disipulo ng Blue Cloud Peak ay isa-isa ng nagsisitumba. Sa ilalim ng dalawang malalaking halimaw, ang tatlong kabataan ay hindi pa nagagalaw sa gitna. Kalmadong nakatingin sa mga tambak at natutumbang kalaban.

Nakatayo lang si Jun Wu Xie at nakatingin sa mata ng bagyo at inobserbahan ang halos tila patay na pagkaputla ni Qin Yue. Tinitingnan niya ito ng tahimik habang mas lalong lumanig ang tingin niya dito.

Naramdaman ni Qin Yue ang lamig niya sa buong katawan noong nakita nitong nakakatitig sa kaniya ng nagyeyelong mga mata nito.

Hindi niya matandaan sa buhay niya na ginambala niya ang mga anghel ng kamatayan. Halatang mga bata pa ito, ngunit ang Ring Spirits nila ay ganap ng makapangyarihan!

Habang nakatingin ito, kahit ang magaling na Qin Yue ay hindi naglakas ng loob humakbang sa laban.

Nakita niya ang naipamalas nitong kapangyarihan at alam niyang hindi niya matatapatan ang tatlong Ring Spirits na halimaw na pinapatay ang kaniyang mga disipulo!

Nangibabaw ulit ang takot ni Qin Yue at sinasakal siya ng malaking takot ng maramdaman niyang may papalapit na kamatayan sa kaniyang ulo.

Nakikita niya sa kaniyang isip na ang lahat ng kaniyang disipulo ay nakatumba na, at ang mga dugo nito ay nasa sulok ng bawat sukat ng silid. Ang mga katawan nito ay nakatambak ng pataas ang tanging malinis at puting bahagi ng ay makikita lamang sa mga paa ng tatlong kabataan.

Ang matinding sakuna na laban ay hindi nagdulot ng kahit anong galos sa tatlong taong nakatayo sa gitna.

Si Qin Yue at ang Elders ay napapalibutan ng takot. Lagi silang tinitingala ng mga tao. Hindi nila akalain na ang tatlong kabataang ito ang magpapatikim sa kanila ng ganitong takot, isang mapait na lasa sa kanilang mga bibig.

Kataas-taasan, dignidad, mga bagay na hindi na alintana sa kanila ito sa mga pagkakatong yun. Ang pagiging mayabang at hambog nila at pagiging kampanteng pag-uugali ay nawala at napalitan ng panginginig habang sila ay nakatayo, hindi magawang gumalaw at hinihiling na sana isa lang itong masamang panaginip.

"Sino ngayon ang tatakas?" Tiningnan ni Jun Wu Xie si Qin Yue at ang Elders na malapit na sa kanya.

Isang Elder lang ang kalmado sa silid na nakaupo. Nagkatinginan sila ni Jun Wu Xie at tumayo siya, dahan-dahan siyang naglakad para harapin ang tatlong kabataan.

"Ano ang ginagawa ni Mu Chen?" tanong ni Cai Zhuo, na nakatago sa likod ng Elders habang sinisilip niya ang patungong si Mu Chen kay Jun Wu Xie.

Ang mga mata ni Qin Yue ay nakatitig sa sa likod ni Mu Chen.

"Mas magaling ka pa sa inaakala ko. Isang karangalan ang makatrabaho ka." Nilagpasan ni Mu Chen ang nagdanak na dugo sa sahig at hinarap si Jun Wu Xie, ang mukha niya ay umaliwalas nang muli itong ngumiti sa unang pagkakataon makalipas ang isang dekada.

"Hindi pa tapos." Nagbigay din ito ng ngiti pabalik.

Hindi makapaniwala si Qin Yue sa narinig ma usapan ni Mu Chen at Jun Wu Xie. Namumula sya sa pagkamuhi kay Mu Chen dahil sa pagtataksil nito

"Mu Chen! Kakampi ka nila!? Sisirain mo ang Qing Yun Clan!? Paano mo nagawa ito? Bilang Elder ng Qing Yun Clan!!" Si Mu Chen ang huling Elder na iniisip nyang tataksil sa Qing Yun Clan.

Ang ama ni Mu Chen ay naging Sovereign ng Qing Yun Clan at lumaki si Mu Chen kasama ang nga Cloudy Peaks. Ang pagmamahal niya at pagkahilig sa Qing Yun Clan ay lagpas pa sa inaakala ng mga tao dito.

下一章