webnovel

Ikalimang Sampal (4)

編輯: LiberReverieGroup

"Kapag ikaw ay magmakaawa sa akin, mas mapapadali ko ang iyong buhay. Sa totoo lang, ang mga disipulong tulad mo ang aking mga pinapaboran." tumawa si Ke Cang Ku habang kinukutya ang kabataan. Nagbibigay saya sa kanya ang paghihinagpis ng mga naggagandahan at namumukadkad na kabataan.

Nang halong takot at kirot ang pumapalibot sa kanila, lalo na't nang gutayin at sugatan ang kanilang malambot na balat, ito pa ang lalong pumupukaw at nagbibigay kasiyahan kay Ke Cang Ku.

Si Hua Yao ang nakaaangat sa lahat ng kanyang kinalap, ang pinakagwapo ika nga. Nang una niyang masulyapan ang kagandahan ng binata, sumigaw ang kaluluwa niyang gustong pilasin ang pagmumukha ng binata. Gusto niyang gamitan ng lason ang butong na sa ilalim ng tampok ng mga sulok ng kanyang pagmumukha, durugin ang kariktan na walang hiyang ipinapakita na hindi kinakayanan ng mga mata ni Ke Cang Ku.

"Masyadong mabagal." sabi ng gwapong binata habang dumadaloy ang dugo mula sa sulok ng kanyang bibig.

Napatigil si Ke Cang Ju, hindi niya naintindihan ang ibig-sabihin ng isinambit ni Hua Yao.

"Akala ko pa naman ay nasiyahan ka sa dambuhalang halimaw na inihanda ko para sa iyo!", Isang malinaw at magaan na boses ang narinig mula sa lukod ni Ke Cang Ju.

Tumalikod si Ke Cang Ju at nalito nang makita niya ang dalawang kabataang ilang tapak lang mula sa kanya.

Hindi ba't walang malay at muntikan nang hindi abutan ng buhay ang mga ito nang mga sandaling iyon?

"Kadiri! Nakakasuka at karumal-dumal ang pangit mong mukha ng ganito kalapit", pakutyang tinakpan ni Qiao Chu ang kanyang bibig habang tinutuya ang gulat na gulat na si Ke Cang Ju.

"Pangit?! Sino ang tinatawag mong pangit? Walang hiya ka!", napangiwi ang mukha ni Ke Cang Ju sa sobrang galit.

Sa tala ng buhay ni Ke Cang Ju, kinasukuklaman niya ang mga taong nanghuhusga ng kaniyang itsura. Dahil doon, lahat ng nakikita niyang kagwapuhan ay kanyang ikinamumuhian. Wala siyang pinipili, ni bata o matanda ang nakakaranas ng poot ng kanyang galit.

At ngayon, ang lakas ng loob niyang tawaging pangit si Ke Cang Ju?

Hindi makapaghintay si Ke Cang Ju, gusto niyang gutayin ang lalaki hanggang ito'y maging pulbos!

Sumugod si Ke Cang Ju dulot ng kanyang galit, tatlong malamig na masamang titig ang nakadirekta sa mga mahahalagang bahagi ng katawan ni Qiao Chu -- ngunit ito'y pinigilan ng mga guhit ng pilak sa gitna ng lipad nito.

Clink! Clink! Clink!

Sunod sunod na maririnig ang mga clink!

Pagkasalpok na pagkasalpok ng mga pilak na guhit sa mga naninilim na tingin, tatlong itim at pilak na karayom ang kumalat sa lapag, Kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.

Nanlaki ang mga mata ni Ke Cang Ju sa mangha niya sa mga magagaling na kabataan sa harapan niya.

Ni minsan ay hindi pa pumalya ang kanyang mga kayarom na may lason, kahit na nagamit na niya ito sa isang indigo level spirit user at agad agad nito'y napabagsak. Ngunit ngayon, ang mga kabataang ito ang unang mga nakapigil sa kanya pagkatapos na pagkatapos niyang kumilos?! Napansin niya na mas maliit at mas magaan pa ang mga pumigil na pilak na karayom!

Hindi na nagdalawang-isip pa si Ke Cang Ju nang kanyang itinira ang mga karayom ngunit paano ito nakita at napigilan ng mga kabataan sa saglit na iyon?!

Pinagmasdan niya ng mabuti ang kabataan, laking gulat niya ng mapagtanto niya na ang mga kabataang nasa harap niya ay ang mga kabataang hinablot niya mula kay Mu Chen!

Ikinamumuhian ni Ke Cang Ju ang mga kabataang mas maganda o mas guwapo kumpara sa kanya. Kaya't buwan-buwan, tuwing siya'y pumipili sa mga hindi natanggap na kanditato sa angkan ng Qing Yun, mas napipili niya yung mga may itsura. Hindi niya tinitignan ang mga katulad ni Jun Wu Xie na maliit ang katawan, maamo ang mukha at hindi masyadong pansin. Hinablot niya lamag si Jun Wu Xie mula kay Mu Chen dahil kinamumuhian niya ang pagkabata ni Mu Chen at ang kanyang kagwapuhan; ito na lamang ang kanyang kaya dahil sila ay parehong Tanda sa angkan ng Qing Yun.

Mas pinagnanasaan ni Ke Cang Jun ang nakatayo sa tabi ng nangangayayat na si Jun Wu Xie dahil sa tingin ni to ay siya'y mas kagwapuhan at mas nakaka-akit.

下一章