Ang eksena sa kanilang harapan ay nagdala ng haginit sa isipan ni Jun Wu Xie. Sa sandaling iyon, tila nabalik siya sa kulungan ng kanyang mga bangungot. Sa pagpapahirap ng isang demonyo, napilitan siyang manood rito sa paggawa nito ng napakalupit na mga eksperimento sa katawan ng tao.
Napansin ni Qiao Chu ang namutlang mukha ni Jun Wu Xie at bumigat ang kanyang loob.
"Hindi ko nais na makita mo ang mga ito….." Alam na niya ang lugar na ito na nakatago sa Hidden Cloud Peak.
"Walang problema." Natauhan si Jun Wu Xie at kinaway ang kanyang kamay. Sinunog na niya ang impyernong iyon at pinadala ang demonyo sa mga apoy.
Wala na siyang dapat katakutan!
Hindi alam ni Qiao Chu kung paano pagagaanin ang loob ni Jun Wu Xie at nakamot nalang ang kanyang ulo habang pumasok pa sa loob ng silid sa ilalim ng lupa.
Sa kanilang paglalakbay, maskasuklam-suklam ang mga eksena. Ang madugong impyerno sa ilalim ng Hidden Cloud Peak ay bangungot na nabuhay!
Sa wakas, tumigil si Qiao Chu sa harap ng isang pader. Nakasabit sa pader, ang isang binatang may dalawang kawit na nakasaksak sa kanyang pelvic bones, at siyam pa na ibang nakasaksak sa kanyang katawan. Ang dalawa niyang kamay ay nakakadena at nakasabit mula sa kisame. Sariwang dugo ang tumutulo mula sa kanyang mga sugat. May lawa ng dugo sa ilalim ng kanyag sinasabitan.
Nakayuko siya at tahimik, na tila patay.
"Nandito ka na?" Isang mahinahon ngunit malamig na boses ang lumabas, at ang binatang nakasabit sa pader ay nabuhay at inangat ang kanyang ulo.
Mayroon siyang pambabaeng mga tampok at ganda na sapat para iwasan ng sinuman ang pagsira sa mukhang iyon. May maliit na nunal sa ibaba ng isang mata niya, na mas nakapagbighani sa itsura ng binata.
"Bro… Brother Hua….." Tinitigan ni Qiao Chu ang binaboy ngunit maganda paring binata.
Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie sa anyong nasa pader. Sinukat niya ang mga sugat at nagulat na may malay parin siya sa mga naranasan niya. Malakas ang loob ng lalaking iyon.
Sumimangot ang binata nang mapatingin kay Jun Wu Xie na nakatayo sa likod ni Qiao Chu.
"Sino 'yan?"
"Ito ang binatang sinabi ko sa inyo dati. Ang henyong nakilala ko sa Bayang Naulog."
Henyo? Nagtaas sia Jun Wu Xie ng isang kilay sa sinabi niyang iyon.
Ang binata na si Brother Hua ay nanliit ang mga mata at isang nakabibiglang eksena ang nangyari sa harap ni Jun Wu Xie!
Ang binatang nakakulong sa mga kawit ay biglaang gumalaw. Ang mga kamay niya ay nakawala sa mga kadena na tila nawalan ng buto. Habang pinapakawalan ang kanyang sarili, pinatong niya ang isa niyang paa sa dingding at tinulak ang kanyang sarili para makawala mula sa mga kwait sa kanyang bewang. Ang matangkad at payat niyang anyo ay naglarawan ng kaaya-ayang arko sa ere sa kanyang paglapag sa harap ni Jun Wu Xie at Qiao Chu, ang kanyang mga paa sa loob ng lawa ng kanyang dugo.
Si Brother Hua na nakatayo sa harap nila ay nagbalik sa kanyang kamay, ang mga ugnayan ng kanyang mga daliri ay isa-isang tinanggal ang mga nakasaksak sa kanyang katawan.
Ang mga nakasaksak sa kanya ay may lamang kasama sa paghugot ngunit hindi man lang siya nasaktan, at tinignan lang si Jun Wu Xie.
Ang kanyang pagtakas ay napaka-ganda at dali para sa kanya na nabigla ang lahat ng nakakita sa kanya.
"Bakit mo siya dinala dito?" Tinuon ni Brother Hua ang kanyang malamig na tingin kay Qiao Chu. Ang masamang tingin ng magandang binata ay hindi nakapagpatakot kay Qiao Chu, ngunit nakapagpabighain pa sa kanya.