webnovel

Qiao Chu (1)

編輯: LiberReverieGroup

Sa kanyang pagtingin sa magulong binata sa harap niya, nabigla ang alaala ni Jun Wu Xie. Hindi ba ito ang gusgusing binatang nakasalubong niya sa Bayang Naulog na nagbenta sa kanya ng mga sira-sirang mga libro?

Dahil sa nalinis ang kanyang mukha, hindi niya siya nakilala.

"Naaalala mo na?" Naghihintay ang binata.

"Ikaw?" Kalmadong sinabi ni Jun Wu Xie.

Pinunasan ng binata ang kanyang mukha: "Naalala mo na."

Tumango si Jun Wu Xie. Isang beses lang siyang nagpunta sa Bayang Naulog, at iniba rin niya ang kanyang itsura noon ng tulad ngayon. Hindi niya inakalang matapos ang maraming buwan, nakilala agad siya ng gusgusing binata.

"Hindi ko inakalang pupunta ka sa angkan ng Qing Yun, hindi ko aakalaing mayroon silang bagay na kakailanganin mo." Sabi ng binata habang pinupunasan ang kanyang mukha gamit ang manggas ng kanyang suot. Nakita niya si Jun Wu Xie mula sa malayo bago ito, at nag-atubuling lumapit hindi dahil hindi niya kayang lumapit kay Jun Wu Xie, ngunit dahil sa pagtataka niya na kung bakit ang isang batang mas may kakayahang gumawa ng mas mahusay na elixir at gamot kaysa sa angkan ng Qing Yun ay maglalakbay para makapasok sa angkan ng Qing Yun bilang isang disipulo.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang binata, kita sa kanyang mga mata na wala siyang balak na sumagot.

Para bang alam niya na nangingialam siya, kinamot ng binata ang kanyang buhok at nagmadaling magpaliwanag: "Hindi ko nais na mangialam, ngunit masaya lang na nakakita ako ng pamilyar na mukha dito, at nadala lang ng kaunti."

Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie. Magkakilala na ba silang dalawa?

Ang gusgusing binata ay mukhang walang malay sa malamig at malayong-tingin na mga mata ni Jun Wu Xie, at sa totoo lang, ay mas naging masigla.

Ang binatang biglaang hinitsa ay nakatayo na at nakahawak sa kanyang puwit at mayroong masamang tingin sa gusgusing binata na biglaang nangialam sa mga ginagawa nila.

"Sino ka? Walang hiya! Sinong nagsabing pwede mo akong hawakan?!" Hawak siya ng kasama niyang binata at masakit parin ang kanyang puwitan.

Pagbawalan nawa ng langit! Ang walang perang gusgusing bata na may tagpi-tagping damit ay naglakas ng loob na lumabas sa kanyang lungga at binalibag siya ng walang babala?! Maswerte siyang hindi siya nawalan ng malay.

Hindi pinansin ng gusgusing binata ang binatang sumisigaw at sinabi kay Jun Wu Xie: "Ayan, ako si Qiao Chu, ikaw?"

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang sobrang-siglang Qiao Chu at tumigil bago sumagot: "Jun Xie."

Dahil hindi siya pinansin nila Jun Wu Xie at Qiao Chu, nagalit ang binatang sumisigaw. Mabigat ang kanyang mga hakbang papunta sa kanila para pagsabihan sila nang biglaang umikot si Qiao Chu at kinaway ang kanyang kamao sa kanyang mukha.

"Mga mahihinang tulad mo, kaya ko ang higit sa sampu." Nagbanta si Qiao Chu.

Hinawakan ng binata ang sakit sa kanyang puwit na gawa ni Qiao Chu kanina, at tumigil sa kanyang kinatatayuan, ngunit tinuloy ang kanyang pagsigaw.

Nainis si Jun Wu Xie sa ingay at dalawang minuto nalang ang nananatili bago maubos ang oras, at wala siyang balak na sayangin ang kanyang oras sa mga kalabasang tulad nila.

Humakbang si Jun Wu Xie at tinulak ang damong-gamot na hawak niya sa mukha ng nagiingay na binata, at sniabing:

"Alis."

Tinanggal ng nagulat na binata ang putik sa kanyang mukha at itutuloy sana ang kanyang pag-iingay nang makita niya ang damong-gamot sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata at yumuko para pulutin ito. Akala niya'y wala na siyang pag-asa na makuha ang damong-gamot mula sa maliit na binata ngayong lumitaw na ang kasuklam-suklam na gusgusing binata. Sinong nag-akala na isusuko rin ng binata ang kanyang damong-gamot dahil sa takot?

"Mabuti't alam mo ang iyong lugar! Tara na!" Sapat na ang nakuha niya ang damong-gamot, sa kabila ng kumikirot niyang puwit. Masaya niyang hinayag kung paano niya hahatiin ang damong-gamot sa gitna ng iba pang kabataan.

Tumayo si Qiao Chu sa kanyang lugar, nabigla, nang makita ang ginagawa ni Jun Wu Xie.

"Ga….. galit ka ba?"

.....

下一章