"Ibuka niyo ang bibig niyan." malamig na utos ni Jun Wu Xie at ang tinutukoy ay si Bai Yun Xian.
Nataranta naman si Bai Yun Xian dahil sa kaniyang narinig. Sinipa niya ang mga guwardiya at pinagkakalmot ang mga ito sa pagnanais na makatakas. Nagsusumigaw ito at nagsimulang tumulo ang luha sa kaniyang pisngi.
"Huwag...pakiusap...huwag...HUWAG...Ayaw kong mamatay...pakiusap...bitawan niyo na ako...nagmamakaawa ako, hindi ko ns ksyo kakalabanin ulit..." Iyak ni Bai Yun Xian habang nagmamakaawa. Naiintindihan niya...Alam na niya ang epekto ng lason na pinainom kay Mo Xuan Fei. Hinding hindi na siya mangangahas pang salungatin ulit si Jun Wu Xie.
Ang gawing naagnas ang iyong katawan habang buhay ka pa, hindi niya lubos maisip.
Kahit na nang siya ay disipulo pa ng Qing Yun Clan, hindi pa siya nakakaengkwentro ng ganoong klase ng lason.
Namamalat na si Bai Yun Xian sa kakasigaw ngunit hindi pa din siya pinapalaya. Pinilit ng mga guwardiya na ipalunok sa kaniya ang lason. Natigilan si Bai Yun Xian nang maramdaman niya ang tableta sa kaniyang lalamunan. Nagsimula siyang manginig.
"Hindi ka papatayin ng lason na 'yan, maaagnas lamang ang iyong laman paunti-unti. Huwag kang mag-alala, hindi ka papatayin niyan. Kapag ang buto mo naman ang nagsimulang maagnas, mabibigyan ng bagong buhay ang iyong laman. Sigurado akong hindi ka mamamatay dahil diyan." Malamig na tiningnan ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian, bawat salitang binibitawan ni Jun Wu Xie ay nagdadagdag ng kilabot sa kaniya.
Ang manatiling buhay na ganoon ang sitwasyon...Mas nanaisin niya na lang mamatay.
Ibig bang sabihin nito ay habang buhay siyang parang halimaw na nakatago?
Nakawala siya sa hawak ng mga guwardiya, siya ay lumuhod sa paanan ni Jun Wu Xie at nagmakaawa: "Jun Wu Xie, pakiusap, nagmamakaawa ako, huwag mong gawin sakin ito...nagmamakaawa ako..Gagawin ko lahat ng gusto mo... Hindi na kita kakalabanin..Pakiusap, huwag..Darating ang Senior Disciple ng Qing Yun Clan. Huwag mo kong patayin, pinapangako kong hindi ako magsusumbong..."
Nabaliw na si Bai Yun Xian, ang Min Butterfly ay bumalik dala ang balitang may mga taga Qing Yun Clan ang darating sa Kingdom of Qi limang araw mula ngayon. Kumapit siya doon bilang pag-asa na maliligtas siya, ngunit nawala ang lahat ng iyon nang ipalunok sa kaniya ang lason.
Kung totoo ngang ganoon ang mangyayari sa kaniya, para siyang isang halimaw na naaagnas. Mas gugustuhin niya na lang mamatay.
Pinanood lamang siya ni Jun Wu Xie at sinenyasan na ang mga guwardiya. Dinampot naman siya ng mga sundalo at itinayo.
"Makokontra ng gamot na ito ang lason na nainom mo. Kailangan mong panatilihin ang dosis ng gamot, kung hindi ay msgsisimula kang maagnas at wala nang makakasalba pa sa'yo." Binigay ni Jun Wu Xie ang gamot dito. Agad naman binuka ni Bai Yun Xian ang kaniyang bibig para inumin ang gamot.
Matapos na mainom ni Bai Yun Xian ang gamot ay bumalik ang mga malalamig na titig ni Jun Wu Xie.
"Tandaan mo ang ipinangako mo. Kapag hindi ka tumupad, sisiguraduhin kong mas magdudusa ka higit sa pinagdaanan ni Mo Xuan Fei." Banta ni Jun Wu Xie.
Agad namang tumango si Bai Yun Xian. Ang danasin niya ang galit ni Jun Wu Xie ay sapat nang dahilan para hindi niya ito kalabanin.
Inutusan naman ni Jun Wu Xie ang mga guwardiya na ibalik na sa kulungan si Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian sa kaniya kaniyang kulungan. Inutusan niya rin ang mga ito na kunin kay Bai Yun Xuan ang anumang impormasyong nalalaman nito tungkol sa pagdating ng Qing Yun Clan sa Imperial City.
Lumuhod si Bai Yun Xian sa lapag at nagsimulang isulat sa papel ang nalalaman nito. Dinig na dinig naman niya ang mga daing ni Mo Xuan Fei. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang kalunos-lunos na itsura ni Mo Xuan Fei. Mas lumala ang itsura nito sa loob lang ng ilang saglit. Nahintakutan naman siya dahil sa itsura nitong halos hindi na niya makilala.