webnovel

PAGSILA (2)

編輯: LiberReverieGroup

"Roooooaaaaar!!!" Nagpakawala ang Ginintuang Liyon ng isang napakalakas na dagundong. Sinusubukan nitong tanggalin sa kaniyang likuran ang itim na hayop na nasa kaniyang likod sa pamamagitan ng pagkumpas nito sa kaniyang katawan. Subalit mas lalo namang hinigpitan ng hayop na nasa kaniyang likod ang pagkakapit nito gamit ang mga matatalas na kuko.

Ang laban sa pagitan ng dalawang parehong matapang na hayop ay matindi kaya naman lahat ng nasa bulwagang iyon ay nasa kanila lang ang atensyon.

Nang nananalo na ang itim ay mahahalata ang galit sa mga mata ni Mo Xuan Fei. Hindi makapaniwala si Mo Xuan Fei na may makakatalo sa Ginintuang Liyon.

Paano nangyari 'to?

Ang kaniyang magiting na Golden Lion, paanong ganon na lang kadali ang talunin ito ng Black Beast?

Bigla na lang nakaramdam si Mo Xuan Fei ng isang matalas at napakasakit na bagay sa kaniyang katawan. Para bang pinaghihiwalay ang kaniyang kaluluwa at katawan. Hinahabol niya ang kaniyang hininga habang hawak ang kaniyang dibdib. May isang napakadiin at matalas na bagay siyang nararamdaman na hindi niya mawari kung saan nagmula. Hirap siyang tumingala.

Ang biglaang kaganapan ay nakapagpagulat sa mga taong nanunuod, ni hindi nila magawang magsalita.

Ang black beast na tumalo sa Golden Lion ngayon ay kinakagat ang mga parte ng liyon. Ang mga contractual beast ay maaaring magpalit ng anyo papunta sa kanilang pisikal na kaanyuan, ngunit wala pa rin silang totoong laman at dugo. Ang kanilang pisikal na kaanyuan ay isa lamang kombinasyon ng kanilang kaluluwa at spirit energy. Kaya naman nang sinakmal ng black beast ang Golden Lion ay walang kahit konting dugo ang lumabas,

unti-unti nalang itong naglaho.

Paano nangyari ito?

Damang-dama ni Mo Xuan Fei na parang unti-unting pinupunit ang kaniyang kaluluwa, mahigpit niya namang hawak ang kaniyang dibdib, naninigas din ang kaniyang mga panga. Pinipilit niyang intindihin kung anong nangyayari. Bukod sa malinaw ang galit sa kaniyang mga mata, maaaninag sa kaniyang mga mata ang mga nangyari kanina lang nang sinakmal ng black beast ang kaniyang Golden Lion. Bumalot sa kaniyang buong katawan ang hindi maipaliwanag na sakit.

Bukod pa kay Mo Xuan Fei, kahit na si Mo Qian Yuan at ang mga sundalo ng Rui Lin ay nagulat nang masaksihan nila ang black beast na kinakagat na lang ng black beast ang mga natirang parte ng Golden Lion.

Kailanman ay hindi pa nila nabalitaan o narinig na ang isang contractual spirit ay sinila!

Sila ay pinaghalong kaluluwa at spiritual energy, paanong sila ay sinila ng ibang nilalang?!

Hindi kapanipaniwala!

Pinilit ibaling ni Mo Qian Yuan ang kaniyang atensyon nang makita niya si Jun Wu Xie na wala na ang mga ngiti sa labi, ikinagulat niya ito. Mataman itong nakatitig sa mga pangyayari.

Hindi namalayan ni Jun Wu Xie na nakatitig na sa kaniya si Mo Qian Yuan, ang kaniyang buong atensyon ay nasa black beast.

Simula't sapul ay laging nasa kaniyang tabi na si Little Black, subalit hindi niya alam na parte pala ito ng kaniyang kaluluwa.

Sa nakaraan, may isang baliw ang masuring sumaliksik sa iba-ibang kamalasan gamit ang makabagong teknolohiya at si Little Black ay isa sa kanila.

Ang itim na katawan ay isang synthesized na katawan, kumukuha ito ng mas madaming lakas kumpara sa pangkaraniwang beast. Sa kabilang banda, hindi ito ganoon katalino kaya naman hindi ito kumpletong produkto. Ang sadya ng eksperimento ng baliw na 'yon ay para ipag-isa ang kalahating kaluluwa at buong kaluluwa ng tao. Ang pagsasanib ng dalawang magkaibang nilalang na ito at ng kanilang kaluluwa ay sapilitang pinagsama.

Dahil ito ay naitatag, saan man magpunta ang kaluluwa ni Wu Xie, nakasunod ang itim na pusa.

Si Little black ay produkto ng kaluluwa, medyo may pagkakahalintulad sa contractual spirit, pero hindi magkatulad na magkatulad.

Nagbigay ng mensahe si Little Black ng mensahe kay Jun Wu Xie na sadyang ikinagulat nito. Kaya nitong talunin ang Golden Lion at kunin ang buong spiritual energy nito.

Ngayon pa lang ay naguguluhan na si Jun Wu Xie. Ano kayang mangyayari ngayon sinila ni Little Black ang Golden Lion? Ito ba ay parang pagtunaw lang ng pagkain o may ibang darating at makikigulo?

Kinalma ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili habang nanunuod at naghihintay ng kaniyang sagot.

Ang magiting na Golden Lion ay unti-unting inuubos sa bulwagan ng Imperial Palace, sa harap ng lahat. Kahit na walang kahit anong bahid ng dugo ang lumabas sa liyon, nakapagpabagabag naman ito para sa lahat.

Ano ang black beast na ito at nakaya niyang silain ang mga contractual spirit?!

下一章