webnovel

Nagkukunwaring Hukom (3)

編輯: LiberReverieGroup

Ipinikit ng Emperor anv kaniyang mga mata. Hindi niya maatim tignan ang mga pangyayari.

Inakala niyang sa tayog ng Qing Yun Clan ay hindi maglalakas loob si Jun Wu Xie na galawin si Bai Yun Xian. Napagtanto niyang siya ay mali.

Si Jun Wu Xie? Hindi maglalakas loob?

Isang malaking biro.

Siya ay matapang kay Bai Yun Xian at ganun din kay Mo Xuan Fei!

Natigilan si Mo Qian Yuan at napako sa kaniyang kinatatayuan. Siya ay masusing nagplano ng paraan para magbitaw sa tungkulin ang Emperor, ngayon ang lahat ng iyon ay nawalan ng silbi dahil sa simple at brutal na paraan ni Jun Wu Xie.

"Wu Xie, anong ginagawa mo? Pabulong na tanong ni Mo Qian Yuan.

Saglit siyang tinapunan ni Jun Wu Xie ng tingin at humalakhak ito:"Hindi ba halata?"

"..." Wala siyang mahanap na sagot.

Dati pa man ay nagplano na si Jun Wu Xie habang pinoprotektahan ang reputasyon ng Jun Family sa massacre ng mga opisyales o ang pagkuha ng pamumuno sa Imperial City. Malinis niyang naisagawa ang kaniyang plano at walang makakahula na siya ang gumawa nito.

Ngunit ngayon siya ay hindi naging maingat at hindi rin siya mapigilan, wala siyang pakialam at lantarang nagbibigay ng kaparusahan.

Ang pagpapahirap ni Jun Wu Xie kay Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian ngayon ay parang paghihiganti nito sa mga ginawa ng dalawa dati.

Mabilis na lumipas ang dalawang oras. Galit na galit si Bai Yun Xian at ito ay punong-puno ng pawis. Hindi niya maalis ang selyo sa baradong arteries. Si Mo Xuan Fei naman ay wala na ring lakas kahit umalulong man lang. Nakaluhod lamang ito sa sahig at nanginginig.

"Bakit... Bakit may bara pa din..." Namumula na ang mata ni Bai Yun Xian at nagpapanic. Ginamit niya na lahat ng kaniyang natutunan, walang nangyari. Kahit na ang kaniyang dalang iba-ibang klase ng gamot na kaniyang dala galing sa Qing Yun Clan ay walang pakinabang.

"Nagsinungaling ka sakin, hindi ba? Siya ay..." Nanginig si Bai Yun Xian nang nag-angat siya ng tingin kay Jun Wu Xie, bakas itosa boses niya. Hindi na siya naglakas loob na magmatapang at ikubli ito kay Jun Wu Xie.

Dahil sa gulat ay na patras ng kilay si Jun Wu Xie at makita ang pagkatalo sa mga mata ni Bai Yun Xian. Siya ay naglakad palapit kay Mo Xuan Fei.

Umigkas sa takot si Bai Yun Xian.

Ni hindi man lang siya tinignan ni Jun Wu Xie. Nilapat niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang tuhod ni Mo Xuan Fei. May hinila itong dalawang karayom na may mantsa ng dugo.

"Suriin mo ulit siya." Malamig na sabi ni Jun Wu Xie.

Nanginginig naman na inabot ni Bai Yun Xian ang palapulsuhan ni Mo Xuan Fei. Lumaki ang kaniyang mga mata, hindi siya makapaniwala.

Wala na ang bara sa arteries nito! Pero ang pagkagalaw sa ugat nito pagkatapos ay naging dahilan sa pagkaputol ng mga paa ni Mo Xuan Fei.

Dalawang oras!

Dalawang oras lang!

Nagkaroon ito ng bara sa arteries sa loob lamang ng dalawang oras at ito ay magiging dahilan ng pagkalumpo ni Mo Xuan Fei habang buhay.

Madalas na ipagmalaki ni Bai Yun Xian ang kaniyang kaalaman sa Medisina. Siya ay isa sa mga namumukod-tangi at pibagpala sa Qing Yun Clan. Nakuha niya pa nga ang atensyon ng clan chief at siya ay naging disciple siya ay personal na tinuturuan nito. Pero ngayon, ni wala man lang siyang nagawa para gamutin si Mo Xuan Fei. Ang kaniyang halos habambuhay na pinag-aralan sa Medisina ay parang "larong bata" lang sa harap ni Jun Wu Xie.

下一章