webnovel

Nagkukunwaring Hukom (1)

編輯: LiberReverieGroup

"Luhod." Maririnig ang boses ni Jun Wu Xie sa pangunahing bulwagan.

Nakatitig si Mo Xuan Fei at di makapaniwala sa kung ano man ang akala niyang narinig niya at siya'y natakot at hindi nakasagot.

Hindi lang si Mo Xuan Fei ang nagulat at napatahimik. Pati rin si Mo Qian Yuan na nasa tabi ni Jun Wu Xie ay nagulat at natahimik.

"Ikaw…" Sinimulan ni Mo Xuan Fei, pero ayaw na marinig pa ni Jun Wu Xie ang kung ano mang walang kwentang sasabihin niya at naglabas ng dalawang pulang ilaw sa kanyang mga daliri na tumama sa tuhod ni Mo Xuan Fei.

Bago pa may makagalaw, napasigaw si Mo Xuan Fei, tila parang nabali ang kanyang mga binti at napaluhod siya sa harapan ni Jun Wu Xie. Si Bai Yun Xian, na hawak ni Mo Xuan Fei ay nadala sa kanyang pagkabagsak.

Tinignan ni Jun Wu Xie mula sa itaas ang nakabagsak na Mo Xuan Fei.

"Kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo ng nakaluhod."

Hindi maitago ang labis na pagngiti ng Jun Wu Xie. Unt-unting lumabas ang dugo mula sa tuhod ni Mo Xuan Fei na nagmantsa sa marmol na kanyang kinatatayuan.

Sanay kayong linuluhuran ng lahat. Dahil gustong gusto niyo naman yan, bakit 'di nyo subukan?

Ang hangin sa loob ng pangunahing bulwagan ay napakatahimik at lahat ay napatitig kay Jun Wu Xie ng may takot.

Tumayo si Bai Yun Xian ng lugaygay. Ang dugo mula sa tuhod ni Mu Xuan Fei ay nagmantsa na sa kanyang damit. Ang kanyang mahigpit na pusod ay lumuwag at tinulungan niya sa Mo Xuan Fei na tumayo. Ang kaunting paggalaw ay nagpahiyaw sa binata sa sakit.

"Jun Wu Xie! Nabaliw ka na!" Hindi pa nakakakilala si Bai Yun Xian ng isang taong napakalupit. Nagawa niyang mapaluhod si Mo Xuan Fei ng walang isang salita.

Napasulyap si Jun Wu Xie kay Bai Yun Xian nang nakataas ang isang kilay, tila isang magandang puri ang kanyang natanggap.

Dali daling tinignan ni Bai Yun Xian ang pulso ni Mo Xuan Fei at nalaman niya na ang spiritual power sakanya ay nasasakal, at ang kanyang mga litid, ugat at dugo ay naisarado, kung kaya't hindi niya maramdaman ang kanyang mga binti.

Paano nagawa ni Jun Wu Xie yun?!

Ano ang dalawang pulang ilaw na nanggaling sa kanyang daliri?!

Umuungol parin sa sakit si Mo Xuan Fei at ang Emperador ay hindi makatingin. Kahit nakapamuno na ng hukbo si Mo Qian Yuan sa loob ng Imperial Palace, at ang kanyang mga salita ay puno ng mga pagbabanta, kahit papaano'y nanatili ang pagiging magalang.

Sino bang magaakala, na sa paggalaw ni Jun Wu Xie, siya'y magiging mabangis at hindi magpapapigi.

Ang mataas at makapangyarihang pangalawang prinsipe ng Qi, ay kailangang lumuhod bago pa makapagsalita!

Mahigpit na hinawakan ng Emperador ang kanyang trono, pinipilit na lunukin muli ang mga bantang gustong lumabas sa kanyang mga labi. PInipilit niyang mapanatili ang kanyang pagpipigil.

Hindi na niya dapat saidin pa ang baliw na yun!

Ngumiti si Jun Wu Xie.

Sinara ko ang daluyan ng dugo sa pareho niyang binti. Kapag hindi pa yun napakawalan sa loob ng dalawang oras, hindi na siya makakatayo pa muli.

Maraming beses nang kinutya ang kanyang tito dahil sa kanyang pagkaparalisado sa loob ng isang dekada. Ang pamilyang imperial ay nagpalabas ng kanilang "pagaalala" at nagreregalo ng ginseng at lingzhi ng paulit ulit, pero wala naman silang ginawa para pigilin o parusahan ang mga taong patuloy na nagbabato ng insulto at nagiging abusado sa tito niya. Naging paralisado ang tito niya para sa kaharian ng Qi ng isang dekada. Kung talagang pinahahalagahan nila ang sakripisyo ng tito ko, madali nilang napatigil ang mga malilihis na dilang walang ibang ginawa kungdi manginsulto. Ngunit ang kanilang ginawa ay nagpatay-malisya at hinayaang kumalat ang mga malisyosong kasinungalingan at ang tito niya'y nabuhay sa abuso at paghihirap.

Ngayon, ipaparanas niya rin ito sa paboritong pangalawang prinsipe ng Emperador.

"Isang napakababaw na sugat para sa isang kinikilalang disipolo ng Qing Yun Clan. Napakadaling ayusin, hindi ba?" Tinignan ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian ng may paglilisik ng mata.

Kung ano man ang kanilang pinapahalagahan, dudurugin niya ito at gagawin niya ito sa harapan nila para maramdaman nila ang hirap at sakit.

下一章