Nagdala ng nakakasakal na amoy ang pulang ulan. Dinaanan ng tingin ni Jun Wu Xie ang mga katawang nakakalat, ang mga mata't kalmado.
"Pasensya na't nagising kita." Napangiti si Jun Wu Yao nang may paumanhin, at tumingin sa damit niyang puno ng dugo. "Ayoko talaga sanang makita mo kong ganito."
Nanlisik ang mga mata ni Jun Wu Xie. Nang marinig niya ang labanan sa harap ng palasyo, nanlamig ang kanyang mga mata.
[Maestra, may problema!] Ang maliit na pusa ay naka-arko ang likod sa kaba.
"Ang emperador yun." Sagot ni Jun Wu Xie ng malamig. "Jun Wu Yao!"
"Hmm?" Sagot nito ng may bahagyang ngiti.
"Patayin mo sila."
"Ayon sa gusto mo" Sagot nitong nakangiti, ang kanyang payat na katawan ay naging isang aninong mabilis na pumunta sa harap.
[Maestra! Ang tito mo!] Sigaw ng itim na pusa.
Itinapon ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa. Ang katawan nito'y humaba't lumapad at naging isang marilag at itim na hayop na nakalapag sa likod-bahay. Sumakay si Jun Wu Xu sa likod ng hayop, ang mata'y naglalagablab sa galit.
"Hayo!"
Ang mabagsik na itim na hayop ay mabilis na pumunta patungo kay Jun Qing.
Ang baho ng kamatayan ay nakabalot sa buong palasyo.
Nakaupo si Jun Qing sa kanyang wheelchair, mga mata'y nanlilisik at nakatitig sa grupo ng mga lalaking nakaitim na nakapasok sa kwarto niya. May espada siya sa kanyang kamay, may dugong natulo pa sa dulo nito galing sa limang patay na katawang nakahandusay sa sahig na nakapaligid sa wheelchair niya. Dumami ang mga aninong pumalibot sakanila.
"Talagang hanggang ngayon, magaling ka parin ngunit sa lagay mo ngayon, kaya mo ba talagang manalo ngayon?" Isang lalaking nakaitim ay ngumisi habang nakatingin sa nakawheelchair na Jun Qing.
Alam ng lahat ang kabagsikan at galing ng Jun Family sa pakikipaglaban. Kung nasa mabuting kondisyon, kaya niyang patumbahin silang lahat ngunit naging baldado na si Jun Qing. Kahit magaling parin siya sa paghawak ng espada, hindi na siya makagalaw ng maayos gamit ang kanyang mga paa.
Tinignan ni Jun Qing ang mga lalaking nakaitim na pumalibot sakanya, ang kanyang mukha'y di makikitaan ng takot. Hindi niya inurungan ito at tinignan pa sila na tila handang pumatay.
Ang mga lalaking nakaitim, sa pagpili na lumusob ngayon, ay halatang pinagplanuhan na ng matagal ito ngayo't karamihan ng kanilang mga guwardiya at sundalo ay wala sa palasyo.
"Isang maliit munting isda, nagpapakita ng sobrang kayabangan sa Palasyo ng Lin, masyado ka namang bilib sa sarili mo." Sabi ni Jun Qing.
Hindi siya natatakot na napapalibutan siya. Mas nagaalala siya kay Jun Xian and Jun Wu Xie!
Napilitang umalis si Jun Xian sa lungsod, at dali-daliang sumugod ang mga lalaking nakaitim sa Palasyo. Ang lahat ng gulong ito ay nakatutok sa palasyo ng Lin, magmula pa nung una. Nagaalala siya kung okay lang ba si Jun Xian, at kung ang pamangkin niyang si Jun Wu Xie ay ligtas ba.
Walang kontraktwal na ispirito si Jun Wu Xie at wala rin siyang isipiritwal na energhiyo. Hindi siya tatagal sa mga ito kapag nakita siya ng mga lalaking ito.
"Ang iyong kataas taasan ay tila napakataas at makapangyarihan, pero wala na halos guwardiya dito sa palasyo, at nagsasayang ka lang din ng oras kung papataglin mo pa ang hindi na maiiwasan. Ang mga natitirang guwardiya ay naipit sa gulo sa harap at pasensya na pero ngayon maaring napugutan na ang dalaga sa inyong bahay. Ngayong gabi ang pagbagsak ng palasyo ng Lin. Sumuko ka na at bibigyan kita ng walang kahirap hirap na kamatayan." Pinagmayabang ng isang lalaking nakaitim.
Biglang may liwanag na sumilaw sa mga nakaitim, nanlaki ang kanilang mata sa takot bago siya mahimatay.
Kahit napapalibutan, hindi umatras si Jun Qing. Ang kanyang asul na damit ay hinahangin, ang kanyang kagwapuhan ay di napalya kahit siya'y nakatinging handang pumatay, nakaabang sa dadating na kalaban.