webnovel

HUWAG MO AKONG ABALAHIN

編輯: LiberReverieGroup

Hindi namalayan ni Jun Wu Xie ang oras habang ninanamnam ang spiritual energy.

Madilim na sa labas habang ang silver na liwanag ng buwan ay tumatagos sa bintana.

"Napakabango."

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo bago pa siya lumingon, niyakap na siya ng isang matipunong braso galing sa kaniyang likuran.

"Halos buto't balat ka na at gusto mo pa din uminom ng wine?" Ang may pang-aasar na sabi ng boses na galing sa kaniyang likuran, habang tinitingnan ang babaeng kaniyang yakap.

Bago siya pumasok sa kuwarto ay bahagya na niyang naamoy ang wine. Ito ay nahalo sa isang pamilyar na amoy. At ang pamilyar na amoy na ito ay galing sa lotus na ibinigay ni Jun Wu Xie sa kaniya.

Nakakahumaling ang bango nito.

Iniangat niya ang kaniyang ulo at kakaibang tumingin sa kaniya. Siya ay nadadala sa ipinapakita nito. Bagamat may parte sa kaniyang hindi sumasangayon, hindi siya masyadong naapektuhan o baka siguro hindi niya lang talaga masyadong pinagtutuunan ng pansin. Ayaw niya nang palakihin pa ang pakikipagtalo sa kaniya kaya naman ay sinarili niya na lamang ito.

Lumipat ito sa kaniyang tagiliran at hinila siyang paupo. Nakakalong sa hita nito habang patuloy sa kaniyang nakayakap galing sa likuran. "Hmm...Yung si Mo Qian Yuan ba na yon ang nagbigay sayo nito?" Kahit na na nakangiti ito, hindi ito umabot sa kaniyang mga mata at malinaw na masisilayan ang malamig na tingin habang sumulyap ito sa wine na bakas ang disgusto.

Hindi na nito inantay ang kaniyang sagot, kinuha nito ang bote ng wine. Nakataas kilay siya nitong tinignan at inilapit ang bote.

"Ang wine na ito ay hindi karapat-dapat sa iyong bibig." Matapos niya itong sabihin, gumalaw ang kamay nito at nakaambang ibuhos ang laman na wine.

Masama itong tinitigan ni Jun Wu Xie sa kagustuhang awatin 'to. Ngunit mahigpit ang hawak nito sakanya habang ito ay mahigpit ding nakayakap at siya naman ay walang magawa.

"Ibigay mo sa akin yan. Ibalik mo yan!" aniya.

Malaswang nakangiti si Jun Wu Yao na tumingin sa kaniya. Walang bahid ng galit ang makikita dito.

"Wu Xie...Wag kang magalit, kung gusto mo ng wine, matutulungan kitang makahanap ng magandang klase ng wine, paano mo naaatim uminom ng parang basura?"

"Ibalik mo yan." aniya habang masamang nakatitig dito.

Patuloy lamang ngumiti sa kaniya si Jun Wu Yao nang hindi gumagalaw, habang ang malalim at itim na itim nitong mata ay bahagyang masisilayan ng kulay lila.

"Pa...Pa...Pakawalan mo ang aking amo..." ang naiiyak na boses ang kanilang narinig.

Sa sulok ay makikita si Little Lotus na nakatayo na may pagkalito sa nangyayari at namumutla. Ang kaniyang maliit na katawan ay nakasandal sa pader habang ang binti nito ay bahagyang gumigewang.

"Ito ay si?" Nakataas ang mga kilay na tanong ni Jun Wu Yao na halatang interesado.

Malungkot si Jun Wu Xie, si Little Lotus naman ay nasa kaniya pa ring pisikal na kaanyuan. Dahil sa pagsulpot ni Jun Wu Yao, nanatili pa si Little Lotus!

Para kay Jun Wu Yao, ang alamin ang identity ni Little Lotus ay parang laro ng bata.

下一章