webnovel

Ang Hindi Malirip na Dalubhasa (Ikatlong Bahagi)

編輯: LiberReverieGroup

"Bagaman at nalumpo si Tiyo, paminsan-minsan ay nakadarama pa rin ito ng panlalamig at ang kaniyang mga litid ay hindi napinsala, kung kaya't naisipan kong subukan itong gamutin. Maging ako ay nasubukan na ang binhi ng lotus, bagaman ako ay nakaranas din ng pagkabalisa, malayo pa rin ito sa sakit na dinanas ni Tiyo. Natakot ako nang biglang kumalat ang lason sa kaniyang katawan, mabuti na lamang at ibinahagi sa akin ng Master ang tamang paraan ng paglunas dito."

Mahinahon ang pagkakasabi ni Jun Wu Xie, kung kaya't sa kabila nang kaniyang maliit na boses, lumabas pa ring kapani-paniwala ang kaniyang mga sinasabi.

Pinag-isipang mabuti ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga sasabihin upang mapagtakpan ang tunay na pinagmulan ng mga gamot.

Noong una ay nais niya munang palakasin ng kanilang pangangatawan nang hindi nila napapansin, ngunit sino ang makapagsasabi na ang binhi ng lotus ay magdudulot ng ganito kalaking insidente! Kaya ngayon, kinakailangan niyang makahanap ng katanggap-tanggap na dahilan upang maikubli ang kaniyang kasanayan sa medisina. Dahil dito, siya at ang itim na pusa ay nag-usap at nabuo ang sapatahang magkaraoon ng isang 'Master'. Ang pagkakaroon ng isang hindi malirip na dalubhasang Master ay makakatulong sa kaniyang paghandaan ang anumang magiging suliranin sa hinaharap.

Matapos marinig ang kaniyang paliwanag, sina Jun Xian at Jun Qing ay parehong nabigla. Hindi nila inakala kahit minsan na may kikilalaning Master si Wu Xie.

Nang magbalik siya noong araw na iyon, ang kanilang mga alaala ay napalitan at tanging naaalala nila ay hinatid ito ng kaniyang 'kuya', gayunpaman, ang mga detalye ay hindi rin ganoon kalinaw.

Hindi man lubos na kapani-paniwala ang kaniyang paliwanag, anong suwerte mayroon siya upang makatagpo ng isang dalubhasa? Gayunpaman, ang lahat ng mga ito ay umaakma sa biglaang pagbabago nito ng katauhan, at maging ang biglaang pagkahumaling nito sa medisina.

"Wu Xie, sa lahat ng mga ito, nagkikita ba kayo ng iyong guro dito sa loob ng Palasyo ng Lin?" Hindi maisalarawan ang nais ipahayag nito ng tanungin ang dalaga.

Tumango lamang si Jun Wu Xie.

Nagkatinginan sina Jun Xian at Jun Qing. Kung susuriing mabuti, kumikibot ang kanilang mga kilay sa nalaman.

Hindi man pansinin ang mga bantay ng Palasyo ng Lin, ngunit malaking bilang mula sa Hukbo ng Rui Lin ang patagong nagbabantay rito. Bukod pa rito, ang mga hindi kilala, maging ang mga hayop, ay agad nilang malalaman kung may nakapasok ng walang pahintulot sa Palasyo ng Lin.

Ngunit sa pagkakataong ito ay wala silang natukalsang kahit ano. Ibig sabihin lamang nito na ang kaniyang guro ay isang tunay na dalubhasa at may kakayanang makalabas-pasok sa kaniyang palasyo nang walang nakakaalam kahit sino mula sa Hukbo ng Rui Lin. Anumang palatandaan ay wala.

Napukaw ng gurong ito ang pansin ng mag-ama, ngunit batid nilang walang masamang pakay ito sa kanila, dahil kung hindi, hindi nito magagawang iligtas ang dalaga at turuan ito ng kaalaman sa medisina.

"Isang malaking biyaya para sa iyo na makatagpo ng isang guro tulad niya. Dahil hindi niya nais magpakilala sa sinuman, ipabatid mo na lamang sa kaniya an gaming taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng tulong na ibinigay niya."

Ang pagkakaroon ng isang guro tulad niya at may malaking maitutulong, hindi lamang kay Wu Xie, kundi pati sa Palasyo ng Lin. Dahil dito, masaya si Jun Xian.

"Makakarating." Mahinahon niyang tugon kung saan napatingin sa kaniya ang itim na pusa at napangiyaw.

[Mistress, saan mo natutunan ang mga bagay na ito? Marunong ka na ngayong magsingungaling!]

下一章