webnovel

Kayamanan ang Katawan (Ikatlong Bahagi)

編輯: LiberReverieGroup

Pilit niyang tiniis ang sakit sa loob ng isang oras hanggang sa tuluyan itong humupa. Ang kaniyang damit, nagdikit sa kaniyang balingkinitang katawang naliligo sa pawis at malagkit at itim na likido.

Sa wakas ay natapos rin ang kaniyang paghihirap! Napanbuntung-hininga ang dalaga at napatingin sa kaniyang mga palad na puno ng duming tumagas sa kaniyang katawana.

"Hindi nga nagsisinungaling ang bubuwit na iyon." Ang biglang sabi ng dalaga. Ramdam niya ang mga pagbabagong naganap sa loob ng kaniyang katawan. Ang kaniyang mga kasukasuan, mas medaling igalaw, at magaan ang kaniyang pakiramdam.

Sa mundong ito, ang sinumang may nais mapaunlad ang kaniyang kapangyarihang espirituwal, mahalaga ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Hindi nagmadali si Jun Wu Xie na simulan ang pagsasanay dahil nais niyang hubugin muna ang kaniyang pangangatawan hanggang sa halos maging perpekto ito, bago niya ito tahakin. Batid niyang sa pagkakaroon ng magandang pundasyon ay mas mapapadali ang kaniyng paglago sa hinaharap!

Matapos niyang maranasan ang sakir at matamasa ang mga biyaya nito, nakasisiguro na siya na maaari na niyang pasinayaan ang pagbibigay lunas kina Jun Qing at Jun Xian. Napapanahon na upang mapabuti ang kanilang pangangatawan, at muling ibalik ang Palasyo ng Lin sa kaniyang nararapat na katayuan.

Masasabing ang mapangahas na kilos ng Emperador laban sa Palasyo ng Lin ay may kinalaman sa kawalan nito ng tagapagmana. Sa kalagayan ni Jun Qing, at sa pag-uugali ni Jun Wu Xie, walang maaasahang magandang hinaharap ang Palasyo ng Lin, bagay na nag-udyok sa mga kalupitan ng kaharian sa kanilang pamilya.

Kung si Jun Xian at Jun Qing ay nasa tugatog ng kanilang kalusugan, sa kanilang kagitingan at kalakasan, walang sinuman ang maglalakas loob magtangkang lumaban sa kanila. Si Jun Xian bilang haligi ng Hukbo ng Rui Lin, tiyak ang pagdanak ng dugo sa sinumang kumalaban!

Sa mga pagkakataong ito, ginugugol ng dalaga ang kaniyang sa pagpabalik-balik mula sa kaniyang silid hanggang sa parmasya, abala sa pangungundisyon ng kaniyang pangangatawan. Ang kaniyang mukahang dating maputla, ngayon at napalitan ng mala-rosas na mukha.

Sa umpisa ay nababahala si Jun Xian na ang pagkawili ni Wu Xie sa panggagamot ay panandalian lamang, kung kaya't nagagalak siyang malaman na ang kaniyang apo ay nananatiling abala sa kaniyang gawain at ang kaniyang kutis ay bumubuti sa tuwing kaniyang nakikita.

Sa Palasyo ng Imperyo ay wala paring natatanggap na pagkilos o anumang pahiwatig ng paghihiganti mula sa Palasyo ng Lin. Bagay na ikinasaya ng kasulukuyang Emperador. Ang Palasyo ng Lin ay nagtala ng napakaraming tagumpay military ng mga nagdaang taon. Ang mga ganitong pagkakataon ay napakabihira kung kaya't kung sino man ang mabigyan ng pagkakataong pabagsakin ang pangalan nito ay tiyak na tatanggapin. Ang kaniyang nais ay ang durugin ang pagkatao ng buong Palasyo ng Lin.

Sa mga oras na ito, ang mga malisyosong usap-usapan patungkol kay Jun Wu Xie at ang pakikipagsabwatan nito sa Hukbo ng Rui Lin para sa makasarili nitong kagustuhan ay kumalat na, maging sa malalayong lugar sa labas ng kaharian.

Lahat ng ito ay nangyayari habang pilit tinutukoy ni Jun Xian ang mahiwagang pangkat ng gabing iyon upang makakuha ng mga patunay at malinis ang pangalan ni Jun Wu Xie. Gayunpaman, may hinala siya na may mahalagang bagay silang pilit ikinukubli sa kniya.

Ang lahat ng mga bantay ng Ikalawang Prinsipe noong gabing iyon ay walang kumpletong bangkay, na tila ba parang may pagsabog mula sa loob ng kanilang katawan. Bukod pa rito, sinasabing lubos na nasugatan ang Ikalawang Prinsipe mula sa pakikipaglaban, ngunit kailanman mula noong insidente ay hindi siya pinagkalooban ng pagkakataong makita ang Ikalawang Prinsipe upang matukoy ang pinsalang natamo o ang uri ng sandatang nagdulot nito.

Malinaw na may ikinukubling mahalagang impormasyon ang Palasyo ng Imperyo upang mapabagal ang kaniyang ginagawang pagsisiyasat at upang tuluyang masira ang pangalan ni Jun Wu Xie.

Araw-gabi ay patuloy ang pagsisiyasat ni Jun Xian. Sa kabilang banda naman, ay bihirang makikita si Jun Wu Yao sa bakuran ng Palasyo ng Lin. At pagdating naman sa mga usapin sa Palasyo ng Lin, sina Jun Qing at Jun Wu Xie ay nananatiling tahimik.

下一章