Hindi masyadong mahalagang elite disciple si Guan Xiu sa Fire Worship Sect Saint Land.
Bukod pa roon, bihira lang sila mag-usap ni Duan Ling Tian, hindi siya mapupuntirya ng mga taong may galit kay Duan Ling Tian. Kaya siya ang hiningian ng tulong ni Duan Ling Tian.
Ito man ang una o ang ikalawa niyang pagpunta rito, talagang maingat pa rin si Duan Ling Tian.
Sa tulong ni Elder Huo na nagtatago sa Seven Treasures Exquisite Pagoda, nagawa niyang hindi makita nang kahit sino at makarating sa malapit sa lugar ng tirahan ng mga elite disciple ng Saint Land kung nasaan ang punong sinasabi niya kay Guan Xiu kahapon.
"Umaasa ako na maging maayos ang lahat." Matapos huminga nang malalim, nilagay ni Duan Ling Tian ang maliit na kahong inihanda niya sa sanga nito. Samantaa, itinago naman niya ang Seven Treasures Exquisite Pagoda sa loob noon.
Sumunod noon, pumasok na si Duan Ling Tian sa loob ng Seven Treasures Exquisite Pagoda sa isang isip lang.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者