"Ayos lang iyon basta't mayroon makukuha," nang sagutin ni Duan Ling Tian si Sun De gamit ang kaniyang Voice transmission, nakikita rin niya na si Sun De ay hindi mataas ang kumpiyansa sa kaniya at alam na ang dahilan kung bakit handang tumaya sa kaniya si Sun De ay dahil sa ibang mga dahilan.
Kasabay nito, tumingin si Duan Ling Tian sa Saint Land Disciple Guan Xiu na iyon na tinuro ang mga direksyon sa kaniya noong nakaraang sampung araw at pinaalalahanan siya dahil sa pag-aalala ngayong araw.
Nang papaalalahanan na niya si Guan Xiu gamit ang Voice Transmission upang sabihin sa kaniya na tumaya sa kaniyang sarili, napansin niya na naunahan na siya ni Guan Xiu at agad na tumaya, "Tataya ako ng 3500 Contribution Points kay Senior Brother Duan Ling Tian!"
Nang hindi siya pinaaalalahanan ni Duan Ling Tian, naglapag si Guan Xiu ng taya ng 3500 Contribution Points kay Duan Ling Tian.
Sa isang iglap, nabalot ng init ang puso ni Duan Ling Tian.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者