Ang saber web ay patungo na kay Duan Ling Tian. Maaaring maisip ng isang tao na kung mababalot si Duan Ling Tian ng saber web, paniguradong mamamatay siya!
"Imposible para sa akin ang harangan ang atake ni Hong Xu gamit ang aking kasalukuyang lakas... Tila wala akong ibang mapagpipilian maliban na lang ang maging isang Nine-clawed Dragon Warrior!"
Noong naharap siya sa napakalakas na saber web, ginamit ni Duan Ling Tian ang Sun Saint Energy sa kanyang katawan at ginamit ang Dragon Energy na nakatago sa kanyang katawan. Habang nalagpasan ng Dragon Energy ang katawan ni Duan Ling Tian, magkakaroon ng kasindak-sindak na pagbabago sa kanyang katawan. Ang kanyang mga kamay at paa ay naging mga kamay ng isang dragon. Nagsimula rin magakaroon ng mga kumikinang na kaliskis sa kanyang katawan.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者