"Eh, 'di, nangangahulugan ba na ang mga tao sa Lower Province ng Dao Martial Saint Land ay napabayaan?" Sa wakas ay naintindihan na ni Duan Ling Tian pagkatapos makinig sa mga salita ni Elder Huo.
"Malamang." Tumango si Elder Huo. Pagkatapos niyang magpaalam kay Duan Ling Tian, nagtungo siya sa ika-apat na palapag ng Seven Treasues Exquisite Pagoda.
Si Duan Ling Tian ay hindi nagmamadali na ipagpatuloy ang kaniyang pagcucultivate dahil sa pag-abot nito sa isang bara. Sa halip, umalis siya sa Seven Treasues Exquisite Pagoda at sa kaniyang silid. "Ano na kayang ginagawa niya ngayon na mayroong ganitong bagay na nangyari?"
Ngayon na si Zhu Lu Qi, ang Palace Master ng Heaven Palace, ay pinagtaksilan ang Mystical Sky Mansion para sa Devil Dao Cultivation Method, ang Devouring Dark Devil Technique, walang dudang maaapktuhan nito ang kaniyang mga disipulo. Si Wang Fei Xuan ay isa sa kaniyang direktang mga disipulo.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者