webnovel

Malapit na Magbukas ang Saint Martial Secret Zone!

編輯: LiberReverieGroup

"Oo, Master."

"Oo, Ama."

Naghintay sila sa tirahan ni Zhao Deng sa kanyang pagbabalik matapos panoorin nina Wei Wei at Zhao Ji ang pag-alis ni Zhao Deng.

Naghintay sila buong tanghali. Gayunpaman, walang nangahas sa kanilang magreklamo pa.

Sa paglubog ng araw, at ang paggabi ay dumating tulad ni Zhao Deng sa kanyang pagbabalik.

Nang siya'y makabalik, ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Walang kahit anong tuwa o galit ang mababakas sa kanyang mukha.

"Ama, sa wakas ay nakabalik ka na." Nang makita ni Zhao Ji si Zhao Deng na nakabalik na, siya ay nagalak. "Ngayon, maaari mo na bang sabihin na balak mo nang hayaan si Great Senior Brother na makipag-negosasyon kay Ling Tian para sa akin?"

"Isantabi muna natin ang bagay na iyan ngayon." Ito lamang ang nakuhang sagot ng nagagalak na si Zhao Ji.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章