Bilang isang fourth-rated force sa Dao Martial Saint Land, ang lupaing sakop ng Rising Sky Mansion ay malawak, higit pang mas malawak kaysa sa Greenwave Han Mansion.
Kung ang estado ng Greenwave Han Mansion ay sinasabing isang maliit na bansa, ang estado ng Rising Sky Mansion ay masasabing isang malaking bansa. Higit pa ito sa kayang abuting ng mga mata, subalit dahil maraming tao ang nasaan man, ang buong Rising Sky Mansion ay mukhang maunlad at masagana.
Sa mukhang masaya at maunlad na Rising Sky Mansion, may kaguluhang talagang nangyayari doon sa isang hindi mapapansing mansyon.
Ang mansyon ay mukhang sira-sira na at nababalot ng mga sapot ng gagamba na tila ba matagal na noong huling may nagtungo rito.
Subalit, kung pagtutuunan ito ng atensyon, agad na makikita g isang tao na walang bakas ng mga sapot sa silangang bahagi ng mansyon, na tila ba sadyang nagbukas ito ng isang daan na diretsong tutungo sa pinto ng pangunahing silid sa mansyon.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者