Pagkarinig na ang dalawang great clans sa Northern Mountain Land na may legacy ng sampung libo ay nasira lamang nang ganoon lang, hindi napigilan ni Duan Ling Tian kung hindi magbuntong-hininga.
Sampung libong taon nang nabubuhay ang dalawang clans na ito, pero sa huli, hindi pa rin nila kinayang pigilan ang mga atake ng powerhouse ng Han Clan.
Walang naramdaman si Duan Ling Tian sa pagkasira ng Ou Clan. Matapos ang lahat, nadawit lang naman ang Ou Clan dito dahil sa ginawang desisyon ng kanilang Clan Leader.
Sa kabilang panig, sobra siyang nangamba dahil sa Lu Clan.
"Si Han Jing ng Han Clan… Kung hindi kita pinatay, mahihirapan ako, Duan Ling Tian, na mabuhay sa mundong ito!" Biglang tumalim ang tingin niya habang umungol siya gamit ang boses niyang tuyo at malat na para bang inubo na lamang niya ang mga salitang ito mula sa kaniyang lalamunan, ito'y nagbigay ng nakapanlalamig na pakiramdam sa mga nakarinig sa kaniya.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者