webnovel

Ang Kawalan ng Pag-asa ni Duan Ling Tian

編輯: LiberReverieGroup

"Bwisit! Naunahan na tayo ni Duan Ling Tian na pitasin ang spirit fruit... Sa tingin ko ay hindi niya pa ito nakukunsumo." Mas lalong pumangit ang ekspresyon ni Zuo Yue, nanginginig nang bahagya ang kaniyang katawan dahil sa galit.

'Whoosh!'

Kumpara sa kaniya, mas prangka si Xu Qing dahil kaagad itong sumugod kay Duan Ling Tian na parang isang ispada. Sumugod siya at sumigaw, "Duan Ling Tian, ibigay mo ang spirit fruit!"

Sa sandaling ito, sina Zuo Yue at Xu Qing ay hindi nasupresa sa apoy na nag-aalab sa katawan ni Duan Ling Tian. Ito ay ang Fire Concept.

Dapat alam ng sinuman na hindi pa kailanman gumamit si Duan Ling Tian ng Fire Concept nang maglaban sila kanina.

Ang lahat ng kanilang atensyon ay nasa spirit fruit na pinitas ni Duan Ling Tian mula sa berdeng baging.

Sa kanilang opinyon, ang spirit fruit na iyon ay hindi isang ordinaryong spirit fruit dahil ibinigay ito ni Qinf Feng bilang gantimpala sa ikaapat na antas.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章