Slap!!
Sa halos parehas na sandaling natapos magsalita si Lei Zhong, isang malutong na tunog ng sampal ang umalingawngaw sa paligid at malinaw na pumasok sa mga tainga ng mga tao sa paligid.
Sa ilalim ng mausisang mga tingin ng iba, itinaas ni Duan Ling Tian ang kanyang kamay at binigyan ng malakas na sampal si Lei Zhong sa kanyang mukha. Nag-iwan ito ng bakat ng isang palad sa isang kalahati ng kanyang mukha at mabilis itong namaga.
Sa ilang sandali, lahat ng manonood sa paligid ay nakaramdam ng lamig sa kanilang katawan.
Talagang mapangahas itong si Duan Ling Tian.
Ang lakas naman ng kannyang loob na sampalin si Lei Zhong matapos niyang sabihin na siya ay ang direktang disipulo ng isang Martial Monarch
Kailangan nilang aminin nataos-puso nilang hinahangaan ang lakas ng loob ni Duan Ling Tian.
Subalit, kahit na hinahangaan nila ang kanyang lakas ng loob, hindi ibig sabihin nito na sang-ayon sila sa kinikilos ni Duan Ling Tian.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者