webnovel

Ang Pagbukas Sa Sikretong Kayamanan ng Martial Emperor!

編輯: LiberReverieGroup

Ang paglagay ng isang Inscription Formation at mag-iwan ng sikretaong kayaman na bubuksan matapos ang ilang libong taon, gaano kalakas ba ang pamamaraan na ito?

Bukod kay Duan Ling Tian at sa iba pang senior official na matagal ng alam ang tungkol sa mga ito dahil sa mga sabi-sabi, ang iba pang mga tao ay nabigla at nalilito. Makikita sa kanilang mga mata ang kawalan ng paniniwala.

Ang kamahalan ng isang Martial Emperor ay talagang humigit sa kanilang mga imahinasyon!

Kahit si Zhang Yan, na tahimik na nakatayo sa likod ni Pei An ay hindi napigilan ang makaramdam ng pagkabalisa sa sandaling ito.

"Itong si Zhang Yan... ay tila nag-iba kumpara noong huling beses." Kanina, noong kararating lamang ng mga taong mula sa Emotion Severing Sect, ilang beses na napasulyap si Duan Ling Tian sa kanya at hindi niya ito masyadong binigyan ng pansin. Dahil dito, hindi niya napansin ang kaunting pagbabago kay Zhang Yan.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章