"Ang unang kahilingan — Ikaw, ay lulumpuhin ang sarili mong cultivation!" Sa sandaling magsalita si Huang Daniu, ito ay parang isang nakayayanig-langit na pangyayari na nagsanhi sa eksepresyon ng lahat maliban kay Duan Ling Tian na magulat.
Hindi nila kailanman inakala na talagang maglalapag si Hyang Daniu ng ganoong kahilingan.
Hinihiling sa elder ng Wood Peak na lumpohin ang sarili niyang cultivation? Hindi ba't ito ay isang biro?
"Ano? Ayaw mo?" Hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na tumawa nang malamig nang makita niya ang ekspresyon ni He Gang na maging madilim. "'Wag mong kalilimutan na muntik mo na kaming mapatay ni Daniu... Ngayon, hindi namin hinihiling ang iyong buhay, tanging ang iyong cultivation lamang. Maaari na kaming maituring na mabait sa'yo."
Ang nakapaligid na lupon ng mga disipulo ng Wood Peak ay walang masabi nang marinig nila si Duan Ling Tian.
Kahit ito ay maaaring matawag na mabait?
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者