webnovel

Ang Sagupaan Para sa Pwesto ng Pinakamahusay na Anim

編輯: LiberReverieGroup

"Normal lang na walang maging reaction si Young Miss Tian Wu sa pagkamit ng 1000 mababang gradong Origin Stone. Pagkatapos ng lahat, isa siyang maharlika at lumaki siyang hindi nawawalan ng Origin Stones."

"Samantalang sina Su Li at Long Yun ay mula sa maliliit na Empires ngunit mahinahon sila sa pagtanggap ng mababang gradong Origin Stones. Nakakagulat talaga."

...

Marami sa mga tao ang napabuntong hininga.

Siyempre, may mangilan ding pinabulaanan ang argumentong ito at nagsalita ng mga patunay. "Hmph! Nakalimutan niyo na bang parehas sina Su Li at Long Yun na may hawak na ikatlong grado na Spirit Weapon!?"

"Tumpak! Isa iyong ikatlong grado na Spirit Weapon! Maliban kay Miss Tian Wu, maging sa mga pinaka mahuhusay na grupo ng mga batang henyo mula sa Darkhan Dynasty, wala na sigurong iba pang taong nagmamay-ari ng katulad nito."

"Kung ikukumpara sa isang ikatlong grado Spirit Weapon, walang kuwenta ang mga mababang grado na Origin Stones."

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章