Malamang, ang pinanggalingan ng binatang ito na may burdadong kasuotan ay hindi simple.
Gayunpaman, si Duan Ling Tian ba ay ang klase ng tao na iiwan ang kanyang karangalan sa ilalim ng paa ng ibang tao at hayaan ang iba na apak-apakan siya dahil lamang takot siya sa kanilang pinanggalingan?
Ang sagot ay hindi!
"Bata!" Lumubog ang mukha ng 'di gaano katandang lalaki nang makita niyang walang pakiramdam si Duan Ling Tian, pagkatapos ay sumigaw siya sa isang malamig na tinig. "Kilala mo ba kung sino ang aking Young Master? Sasabihin ko sa'yo, ang aking Young Master ay hindi isang tao na maaaring galitin ng isang mababang mga karaniwang tulad mo… Kung may pakiramdam ka, umalis ka na, o baka huli na upang magsisi!"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者