webnovel

Li Zhong

編輯: LiberReverieGroup

"Ke Er, papasok ako mula sa harapan at doon ko aasikasuhin ang pitong lobo. Habang kinukuha ko ang atensyon nila, umatake ka mula sa likuran at asikasuhin mo yung tatlo sa likod."

Habang nakangiti sa dalaga, lumipad si Duan Ling Tian.

Spirit Serpent Movement Technique!

Direkta siyang tumawid upang makarating sa mga mababangis na lobo, kinukuha ang atensyon ng sampung mababangis na lobo.

Ang dalagang may maselang pigura ay bahagyang nanginig, huminga nang malalim at pinagngalit ang ngipin habang pinipigilan niya ang takot sa kaniyang dibdib, lumipad at nagtungo sa likod ng sampung lobo.

Sword Drawing Arts!

Sinimulan na ni Duan Ling Tian ang kaniyang atake.

Whoosh!

Ang kinang ng violet sword ay nagningning bago mabilis na nawala.

Putchi!

Isang mabangis na lobo ang umalulong bago bumagsak sa lupa habang tumalsik mula rito isang haligi ng dugo.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章