Hindi pa nakakarating ang grupo ng mga binhing kinabibilangan ng katawang tagamosha ni Luo Feng sa dulo ng lugar kung saan nakatira ang mga World Tree, kahit matapos ang lima pang mga buwan ng pagpatangay sa hangin. Nasa gitna nito ang pinakamalakas na World Tree habang nakapaligid naman dito ang walo pang mga puno. Sinakop ng mga World tree ang ¼ na bahagi ng isla. Kaya nagawa ng ibang mga puno na nasa undying at knight level na umiwas sa mga World Tree.
Weng!
Nagliwanag ang siyam na parang jade na mga World Tree. Ang bawat isa sa mga ito ay pinaliligiran ng isang halo kaya walang kahit na anong lumulutang na binhi ang makakapasok sa mga halo na iyon.
Tahimik na lumapag ang grupo ng mga binhing kinabibilangan ng tagamoshang katawan ni Luo Feng. Ang isang sector lord level na World tree na mayroon ding makapal na katawan ay mayroon pang 10 milyong milya na layo mula sa kaniya.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者