Ang Wu Long starfield ay isa sa 9 mga tambakang starfields ng sangkatauhan. Pero sa totoo lang ay isa itong lugar na naglalaman ng mga kayamanan.
Sa loob ng dark space, isang paggalaw ang naganap at isang triangle at kulay dugong spaceship ang nagpakita.
…
Sa loob ng control room.
Parehong tumingin sina Luo Feng at Dylan sa lumulutang na grupo ng mga palasyo sa space.
"Luo Feng, nakarating na tayo sa mga coordinates, tapos na ang paglalakbay natin sa kalawakan. Napakalapit na tayo sa palasyo mula rito, nasa 25 minuto na lang ang layo natin doon." Maririnig ang boses ni Babata sa loob ng control room.
"Nakarating na rin tayo matapos ang 1 taon at 2 buwan. Hindi na talaga madaling pumunta rito." Ngiti ni Luo Feng "Tara na at makipagkita kay Tian Qiong."
"Sige."
Muling umabante ang spaceship ng planetang Yun Mo at naging isang malabong imahe habang lumilipad papunta sa palasyo.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者