Kinagabihan ay umalis ang taga-Moshang katawan ni Luo Feng sa Meng Na city nang walang kahit anong bakas at bumalik sa lumulutang niyang automaton spaceship sa kalangitan.
Sa loob ng control room.
Umupo si Luo Feng sa sofa. Nanlamig ang kanyang itsura habang mahinang sinasabi na, "Pumunta tayo sa Swallow Mound city." Agad na lumipad ang kanyang automaton spaceship papunta sa Swallow Mound city.
"Anong problema, Luo Feng?" Umupo rin ang demonyong si Babata sa sofa at tumabi kay Luo Feng.
"50 taon na ang nakalilipas mula noong mawasak ang Yu Dao sect." Simangot ni Luo Feng. "Tuluyan nang naubos ang naglalakasang elite at nabura ang buo nilang sect sa buong Blood River World…at ang gumawa nito ay walang iba kundi ang pinakaunang disipulo ng sect. Matapos ang 30 taon, isang spirit reader na may kulay silver na buhok ang nagpakita at pumatay sa salarin bago tuluyang umalis sa lugar na iyon."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者