Sa hall ng Killing Fields.
Kasalukuyang pinag-uusapan nina Luo Feng, Hong at Thunder God ang huling laban na kanilang pinagdaanan. Hindi nila naiwasan kundi pag-usapan ang mga ito habang nakaupo ng magkakasama. Napakatindi ng naging epekto ng huling laban ni Luo Feng, hindi dahil sa natatakot siyang matalo kundi sa tindi ng kanyang naging pagkataplo! Ang ibig nitong sabihin na….si Luo Feng ay masyado pang mahina kaysa sa mga fighter na nasa tuktok ng Star level 1.
Marami pa rin talagang mga fighter na mas malakas kaysa sa kanya.
"Huh?" Nakita ni Luo Feng gamit ang gilid ng kanyang mata ang isang papalapit na tauhan ng Killing Fields sa kanila.
"Huh?" Tumingin-tingin si Thunder God sa kanilang paligid, sila lang ang mga taong nasa lugar na iyon.
"Mukhang tayo talaga ang hinahanap niya," mahinang sinabi ni Hong.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者