webnovel

Pagsagip

編輯: LiberReverieGroup

Hindi lamang nagcultivate si Zhao Feng ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ng Soul Recovery Divine Technique sa Purple Star Tower; ang kaniyang Dao of Illusions ay lumago na rin. Kahit ang kaniyang kaluluwa ay labis nang napinsala at ang kaniyang Soul Intent ay hindi pa tuluyang gumagaling, ito ay sapat na upang harapin ang dalawang mga taong ito.

Pinadaloy ni Zhao Feng ang ilan sa Soul Intent na nabawi niya kani-kanina lamang at gumamit siya ng isang pinasimpleng bersyo ng Forbidden Illusion Lost World upang mahulog sila sa isang mundo ng ilusyon.

"Zhao Feng, ikaw…?" Gulat na pumunta si Ji Lan sa unahan at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.

Bahagyang nablangko ang kaniyang isipan. Nararamdaman ng lahat ng tao kung gaano kahina ang kasalukuyang si Zhao Feng, subalit nagawa niyang asikasuhin si Ji Chengming sa pamamagitan lamang ng isang tingin kahit sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon?

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章