webnovel

Five Elemental Wind Lightning

編輯: LiberReverieGroup

Mayroon na si Zhao Feng ng ilang mga resources na maaari niyang gamitin sa Golden Kun Sacred Lightning Body. Kailangan niyang maghanda sa pag breakthrough sa ikatlong lebel ng Sacred Lightning Body.

Drip! Drip!

Ang katawan ni Zhao Feng ay binalot ng body-strengthening liquid, kapiranghot ng Wind Lightning ang lumitaw sa kanyang katawan at sinimulan niya itong palakasin.

Kadalasan, ang body-strengthening techniques ay inaabot ng mahabang progreso at matinding kagustuhan. Mabuti na lamang at si Zhao Feng ay ginamit ang Immortal Springs Wind at ibang mga kagamitan kanina, na malaki ang binago sa kanyang katawan, ang kanyang state of existence ay malapit na sa Small Origin Core Realm.

Ang Sacred Lightning Body ay gumagamit ng Wind Lightning Yechnique upang mapalakas ang kanyang katawan; kung gayon, kapag mayroon ng sapat na resources, mabilis ang magiging progreso ni Zhao Feng.

Habang nag cucultivate si Zhao Feng:

Weng! Weng!

Dalawang Magnificent Powers ang lumitaw sa taas ng Courtyard, at ang hangin ay tila nagyelo. Dalawang pigura ang lumabas kasabay nang paglaho ng liwanag, at pareho silang mga dragon sa tao.

"Eighth Prince, dito marahil naninirahan si Zhao Feng," saad ng isang malaking kabataang may makapal na kilay at nakasuot ng itim na kapa. Ang kanyang mata ay kasing tulis ng kidlat at naglalaman ng hindi matukoy na pwersa.

"Luo Zun, huwag kang magpadalos-dalos,"tinaas ng Eighth Prince ang kanyang kamay at ngumiti. "Kapag nalaman ng iba na inaagaw ko ang fiancee ng ibang tao gamit ang aking estado bilang prinsipe, masisira nito ang imahe ng imperials."

Kabaligtaran sa pamimilit ni Luo Zun, ang Eighth Prince ay kalmado at elegante. Maliban sa kanyang estado, siya rin ay henyo at makisig.

Sa oras na ito, maraming tao ang nagtipon sa labas ng bahay ni Zhao Feng. Matapos ang lahat, dalawang hari ang lumitaw. Siyempre, karamihan ay hindi alam ng estado ng Eighth Prince.

"Brother Luo? Narito ka ba upang hanapin si Zhao Feng? Mukhang narinig ng batang iyan ang balita dahil pagkabalik niya ay agad siyang pumasok sa seklusyon," naglakad si Brother Senior Martial Brother Guang at magalang itong sinabi. Mukhang kilala ni Brother Senior Martial Brother Guang si Luo Zun.

"Sinasadya akong iwasan ng batang 'to?" Pumangit ang ekspresyon ni Luo Zun, at galit ang lumitaw sa kanyang mata. Ayon sa Brother Senior Martial Brother Guang, pumasok sa seklusyon si Zhao Feng matapos niyang marinig ang balitang darating siya. Ibig sabihin nito ay umaasta siyang "astig" at hindi niya pa rin pinatitigil ang kasal.

"Brother Luo, naiintindihan ko ito." Hindin na nagulat ang Eighth Prince; nakangiti pa rin siya. Matapos ang lahat, sobrang husay ni Luo Shui'er, at ng Luo family ay isa sa malalaking pamilya sa Tianfeng Great Island Zone. Ang Eighth Prince ay naiintindihan ang mga taong gustong kumapit sa ganitong swerte.

"Zhao Feng, sa tingin mo ah maaari mo nang mapakasalan ang kapatid ko dahil sa ginagawa mo?" Ngumisi si Luo Zun kasabay nang pagbalot ng Magnificent Power sa labas ng bahay ni Zhao Feng.

Ang protective array sa paligid ng bahay ni Zhao Fengay nagsimulang magdilim, at malapit na itong mawasak anumang sandali.

Sa loob ng silid, nag cucultivate si Zhao Feng. Malamig siyang tumawa noong naramdaman niya ang nangyayari; "Sinong bastardo ang may lakas ng loob na umakto ng ganito sa Ten Thousand Sacred Clan?"

Ang Ten Thousand Sacred Clan ay may sariling batas. Habang ang mga Central Disciples ay nasa seklusyon, hindi sila maaaring gambalain maliban na lamang kung may mahalagang sitwasyon. Ang ginagawa ni Luo Zun ay masasabing lumalabag sa Ten Thousand Sacred Clan.

"Brother Luo, huwag kang magpadalos-dalos." Pinigilan ni Eighth Prince si Luo Zun.

Galit si Luo Zun, ngunit alam niya na hindi niya maaaring pilitin si Zhao Feng sa teritoryo ng Ten Thousand Sacred Clan. Isa pa, ang gustong ipatigil ang kasal ay ang Luo Family, kaya wala sa kanila ang katwiran. Sa kabilang banda, si Zhao Feng ang "mahina" na mayroong karapatan na magdesisyon.

Sa sandaling ito, sina Luo Zun at Eighth Prince ay nasa nakakailang na sitwasyon. Hindi nila naisip na magagawa ito ni Zhao Feng. Masyado siyang tamad kahit man lamang na lumabas at batiin sila.

"Brothee Luo, huwag kang mag-alala. Ang batang ito ay malapit nang lumabas. Kailangan niyang mangolekta ng resources mula sa clan upang matapos niya ang kanyang misyon…" Tinapik ni Brother Senior Martial Brother Guang ang kanyang dibdib at nangako siya na babantayan niya si Zhao Feng. Kapag lumabas si Zhao Feng, agad niya itong sasabihin kay Luo Zun.

"Sige, maghihintay ako hanggang pirmahan ni Zhao Feng ang divorce papers baka sakaling may plano siyang iba pang gawin sa hinaharap." Tumango si Luo Zun. Sa kanyang isipan, napahiya masyado si Zhao Feng kaya ganito siya umakto.

"Luo Zun at Eighth Prince, kayong dalawa, hindi niyo na kailangang bumalik. Tinatanggihan ko nang pakasalan si Luo Shui'er," isang mahinang boses ang kanilang narinig kasabay nang paghagis ni Zhao Feng ng sulat palabas.

Sou!

Kinuha ni Luo Zun ang sulat. Mayroong tatlong malalaking salita sa sulat - Engagement Rejection Letter*

Ang tatlong salitang ito ay naglalaman ng kakaibang Intent. Ang mga taong mas mahina pa sa Hari, maging ang isipan nina Luo Zun at Eighth Prince ay bahagyang nagulat nang makita ito.

"Engagement Rejection Letter!? Bata, paano mo nagawang hiwalayan ang kapatid ko?" Galit si Luo Zun, at ang kanyang Magnificent Power ay naging dahilan upang magyanig ang kalangitan.

Ang katakot-takot na kapangyarihang nanalaytay sa kanya ay naging dahilan upang hindi makahinga ang mga kalapit na disipulo. Maging ang ekspresyon ng Eighth Prince ay bahagyang pumangit noong makita ang Engagement Rejection Letter.

"Luo Zun, anong gusto mong makuha mula sa akin? Hindi ba at iyan ang ipinunta mo rito?" Isang malamig at walang emosyong boses ang kanilang narinig.

Sa mundong ito, ang paraan upang tanggihan ng lalaki ang kasalan ay sa pamamagitan ng Engagement Rejection Letter. Ang mga babae ay walang karapatang gumawa ng Engagement Rejection Letter; ngunit maari nilang tanggihan parehas ng kasal.

Ginawa ito ng diretso ni Zhao Feng. Ayaw niya na maistorbo ang kanyang cultivation.

"Ikaw…!" Umatungal si Luo Zun ngunit hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Totoo nga, pumunta siya upang hanapin si Zhao Feng at hindi ipatuloy ang kasal, at ginawa ni Zhao Feng ang kadalasang ginagawang paraan - Engagement Rejection Letter. Gayunpaman, habang iniisip na tinanggihan ang mahusay at maganda niyang kapatid, nakaramdam ng galit si Luonl Zun.

Madilim din ang ekspresyon ng Eighth Prince. Siya ang prinsipe ng Great Gan Lord Dynasty; hindi maganda na pakaslab niya ang babaeng tinanggihan ng ibang lalaki. Sa huli, tungkol pa rin ito sa kahihiyan.

Bilang sila ang nasa malakas na panig, nais ng Luo Family na parehong tumanggi sa kasal at bigyan si Zhao Feng ng ilang kompensasyon dahil sa hindi pagtupad sa kanilang pangako. Hindi naman mali ang ginawa ni Zhao Feng, ngunit sa ganitong paraan ay napahiya ng Luo Family at Eighth Prince.

"Zhao Feng, pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!" Umungol si Luo Zun sa hangin kasabay nang pagiging yelo at apoy ng kalangitan at kapatagan gamit nag kanyang Magnificent Power.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng sa silid. Nag cultivate si Luo Zun ng kakaibang Ice and Fire technique. Ang technique na ito ay nangangailangan na marunong magbalanse ng Yelo at Apoy, at lubhang mahirap itong icultivate. Isa pa, nagsimula na si Luo Zun na bumuo ng balangkas sa spatial domain, na nangangahulugan na hindi na siya malayo sa pagiging Domain-level King.

"Kuo Zun!" Ilang mga King Intents ang lumitaw sa hangin. "Ito ay Ten Thousand Sacred Clan. Kumalma ka."

Halatang ang paggamit ni Luo Zun ang kanyang Magnificent Power ay naging dahilan upang hindi magawa ang mga elders sa Ten Thousand Sacred Clan. Kahit ano pa man, ang Ten Thousand Sacred Clan ay dating three-star superpower. Kung hindi niya mapipigilan, maging ang Eighth Prince ay maaaring masaktan ang damdamin ng Ten Thousand Sacred Clan. Ang lord dynasty at lahat ng clans ay kasalukuyang balanse.

"Zhao Feng, tignan natin ang mangyayari sa hinaharap!" Pinigilan ni Luo Zun ang galit sa kanyang puso at umalis na sa labas ng bahay ni Zhao Feng kasama ng Eighth Prince. Si Zhao Feng ang tama, at ito ang Ten Thousand Sacred Clan. Hindi sila maaaring gumamit ng pwersa dito.

Sa loob ng silid, si Zhao Feng ay nag cucultivate maigi. Hindi niya sinapuso ang banta ni Luo Zun.

Sa isang kisap-mata, ilang buwan na ang nakalipas, ang Golden Kun Sacred Lightning ni Zhao Feng ay umabitbna sa ikatlong lebel. Ibig sabihin ay kaya ng pumatay ni Zhao Feng ng mga True Lord Ranks gamut ang kanyang pisikal na lakas, at wala siyang kapantay sa mga nasa ilalim ng Origin Core Realm.

Kung gagamitin niya ang Five Elemental Wind Lightning Technique, iyon ay tila pagdaragdag ng pakpak sa tigre.

Ang Five Elemental Wind Lightning Technique ni Zhao Feng ay nasa peak third level na. Sa sandaling ito, muli niyang inilalagay ang kanyang pokus sa Five Elemental Wind Lightning.

Habang mas mataas ang lebel ng Wind Lightning Technique, mas mabilis ang kanyang progreso sa cultivation ng Sacred Lightning Body. Ang layunin ni Zhao Feng sa estado ng Wind Lightning Technique ay mapanatili ang isa't kalahating lebel na mas mataas sa Sacred Lightning Body.

Nais ni Zhao Feng na icultivate ang Five Elemental Wind Lightning hanggang sa ikaapat na lebel bago magpokus muli sa Volden Kun Sacred Lightning Body. Vayunpaman, sa ikaapat na lebel pataas, bawat lebel ay mahalagang punto. Sa puntong iyon, kailangan niyang simulan na icultivate ang limang elemento.

"Ang Five Elemental Wind Lightning ay tungkol sa pagkasilang ng limang elemento. mula sa Metal papunta sa Water, mula Water papunta sa Wood, mula sa Wiid papunta sa Fire, mula sa Fire papunta sa Earth, mula sa Earth paounta sa Metal…"

"Mula sa ikasampung lebel pataas, ang Five Elemental Wind Lightning ay bubuo ng bilog kung saan ang mga elemento ay maaaring mag palitan anumang oras."

Malinaw ang isipan ni Zhao Feng. Isa pa, maaaring mamili ng elemento na nais nilang gamitin sa ikaapat na lebel.

Metal, Wood, Water, Fire, Earth - maaari siyang mamili sa lima na mauna niyang icultivate.

Ang unang elemento ay lubhang mahalaga dahil magiging pundasyon ito. At mula sa ikaapat na lebel pataas, ang bawat elemento ay magiging mahalaga dahil ang bawat lebel ay nangangailangan ng bagong elemento.

"Ang ikaapat na lebel ay kritikal na punto. Ang unang elemento ay kailangang piliing mabuti."

Kumislap ang mata ni Zhao Feng. Sa sandaling ito, nagsimula siyang mag-isip. Kung gusto niya nang malakas na opensa sa simula, Fire at Metal ang magandang piliin. Kung gusto niya ng malakas na depensa, Earth-elemental Wind Lightning ang dapat niyang piliin. Mayroon ding kalamangan ang Wood; ang Wood ay puno ng buhay, at maaari niyang mapalakas ang lifeforce o magpahilom ng sugat.

Gayunpaman, sa huli, pinili ni Zhao Feng ang tubig. Ang Water ang pinaka maraming magagawa; maari itong maging matigas o malambot. Maaari itong maging yelo, magpalakas ng atake, depensa at magpahilo. Isa pa, Water ang pinag mumulan ng buhay; kung gayon, ang pagpili sa Water bilang pundasyon ay hindi mas mahina sa Earth.

Isa pang mahalagang punto ay, matapos ang God's Spiritual Eye na sumanib sa bagong katawan, ang bloodline ng katawang ito ay nagsisimulang magbago, at malapit niya nang magamit ang Ice Imperial Spear. Higit pa roon, ang kanyangvkaalalamn sa Water at Ice ay mas mababa lamang sa Wind ang Lightning sa nakaraan niyang buhay.

Matapos ang ilang araw, umabot na sa peak third level ang Five Elemental Wind Lightning Technique ni Zhao Feng, at naghahanda na siya para sa ikaapat na lebel at pagbuo sa unang layer ng Five Elemental Wind Lightning.

Sa sandaling ito, umabot na sa True Lord Rank ang cultivation ni Zhao Feng.

*Engagement Rejection Letter- Lalaki lamang ang maaaring gumawa. Ginagamit ito kapag nais na tanggihan ng lalaki ang babae kahit na ikakasal na sila. Iba ito sa pagtitigil ng kasal, kung saan parehong nagkasundo ang dalawang panig na huwag ituloy ang kasal. Mas nakakapangliit itong paraan na ito at maaaring masira ang pangalan ng isang tao. Hindi magandang tignan na ang Eighth Prince ay magpapakasal sa babaeng tinanggihan ng iba.

下一章