Noon sa Azure Flower Continent, sa loob ng isang madilim at kulay itim na tore sa mga kabundukan ng Canopy Great Country sa Northern Continent, mayroong isang tore na mayroong anim na sulak na luma at misteryoso. Mayroon itong apatnapu't siyam na mga palapag, at ito ay nababalutan ng isang hindi mailarawang kapangyarihan.
Ito ang mala-alamat na lugar ng Dao of Life sa Azure Flower Continent – ang Six Warlock Tower.
Sa pagkaktaong ito, isang elder ang nakatayo sa tugatog ng ika-49th na palapag at siya ay nakatingin sa alapaap. Ang elder ay mayroong itim na kapa, at ang kaniyang mga mata ay tila malamlam, subalit kagaya rin ito ng mga bituin na hindi masusukat at puno ng hustong edad at kaalaman.
Miao!
Ang atungal ng puso ay maririnig sa buong kapaligiran nang mayroong isang malaki at kulay pilak na itim na pusang tamad na humikab sa isang sulok.
"Sage, maghapon ka nang nakatayo rito."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者