webnovel

Inilihim ang Pamagat ng Kabanata dahil sa pagiging Spoiler nito

編輯: LiberReverieGroup

Sa ika-48th na palapag ng Fan Lun Ancient Sound Palace, hindi inakala ni Zhao Feng na makakatagpo niya ang taong hinahanap niya sa ganitong paraan.

Ang ekspresyon ni Liu Qinxin ay kagaya rin ng kaniyang nasa mga alaala, subalit ang kaniyang aura ay nagbago na simula pa noong nasa Flooding Lake City. May suot siyang puting damit at tila ba isa siyang diyosang ipininta – elegante at maharlika. Para siyang nangingibabaw sa mga mortal.

"Feng, ikaw nga…!" Labis na nagbago ang ekspresyon ng eleganteng babae nang sumigaw siya.

Beng!

Ang isa sa mga tali sa qin sa harapan niya ay pumitik.

"Kayong dalawa… kilala niyo ang isa't isa?" Ang batang Demigod, si Li Xueyi, at ang mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin Palace ay natulala. Ang isa sa mga bawat anyo ng ika-48th na palapag ay mga mala-alamat na nilalang, at ang babaeng ito ay tiyak na kabilang sa kanila. Hindi nila inaasahan na kilala niya si Zhao Feng.

"Siya… ang taong hinahanap mo?" Nanginig ang boses ni Li Xueyi. Ang babaeng nasa harapan nila ay nakaabot na sa kamangha-manghang level ng mastery sa Dao of Entertainment, at ang kaniyang aura ay mukhang hindi isang bagay na naririto sa mundong ito. Ang hinahanap ni Zhao Feng ay isang ganito kaperpektong babae?

"Ikaw si Qinxin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zhao Feng. Paanong nangyari na isa sa mga anyong mula sa pader si Liu Qinxin.

Maingat na tumingin si Liu Qinxin kay Zhao Feng, at kumislap ang mga emosyon sa kaniyang mga mata, kabilang dito ay kapaitan at kagalakan.

"Sino ka?" Tuluyan nang bumukas ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, at ang kaniyang kaliwang mata at buhok ay naging kulay lila nang mayroong lumitaw na isang malakas na daluyong ng Eye Intent.

"Ito ang kaniyang tunay na lakas!" Ang mag-asawa, si Li Xueyi, at ang iba pa ay hindi makahinga.

"Feng, ako si Liu Qinxin, subalit hindi ako ang Qinxin na hinahanap mo…" Mariing tumingin si Liu Qinxin kay Zhao Feng, at mayroong dalawang linya ng luha na nahuhulog mula sa kaniyang mga mata.

Naguguluhan si Zhao Feng. Anong ibig sabihin nito? Ang mga pagkilos at ngiti ng babaeng nasa harapan niya ay tiyak na kagaya ng kay Liu Qinxin mula noon.

"Qinxin, anong nangyayari? Buhay ka pa ba o hindi na?" Huminga nang malalim si Zhao Feng. Ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay napakahirap intindihin – kahit ang God's Spiritual Eye ay hindi makita ang katotohanan dito.

"Ang mga pumanaw lamang ang maaaring lumitaw sa mga pader. Ako si Liu Qinxin, subalit sa iisang pagkakataon, hindi rin ako siya. Upang mas maging malinaw, ako ay isang parte ni Liu Qinxin at mayroon akong mga alaala niya, pati abilidad, at mga emosyon bago siya pumasok sa ika-49th na palapag…" Sambit ni Liu Qinxin.

"Ang mga pumanaw lamang?" Nanlamig ang puso ni Zhao Feng. Si Liu Qinxin… ay namatay na?

Ang mag-asawa at ang batang Demigod ay lahat nagpakita ng nag-aalalang ekspresyon nang mahulaan nila kung anong klaseng nilalang na ngayon si Liu Qinxin.

"Ang Liu Qinxin na ito ay maaaring nabuo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Fan Lun Ancient Sound Palace, subalit walang nakakaalam kung totoo sila o hindi," hula ng batang Demigod.

"Tanging ang mga pumanaw lamang ang makikita sa mga pader. Mukahng ang Liu Qinxin na hinahanap ni Zhao Feng ay namatay na," hindi mapigilang maawa ni Li Xueyi.

Nanatiling nakatayo si Zhao Feng sa loob ng mahabang oras at ang kaniyang mga nakatikom na kamao ay nagsimula nang manginig.

"Feng, kailangan mo nang tumigil sa pagluluksa," sambit ni Liu Qinxin na mayroong nanginginig na boses. Dulot ng kapangyarihan ng Fan Lun Ancient Sound Palace, ang kaniyang mga alaala at mga emosyon patungo kay Zhao Feng ay tiyak na katulad ng totoong Liu Qinxin.

"Qinxin, paano ka namatay?" Nagsimula nang kumalma si Zhao Feng at naisip niya na maaaring mayroong lihim na sikreto rito.

Hindi nagsalita si Liu Qinxin, tumitig lamang siya.

Shua!

Hindi mabilang-bilang na mga imahe ang lumitaw sa isipan ni Zhao Feng. Isang babaeng nakaputi ang naghahanap para sa huling Intent ng Dao of Entertainment. Nakatanggap si Liu Qinxin ng iba't ibang klase ng mga comprehensions at gantimpala matapos makalagpas sa mga yugto, subalit ang kaniyang katawan ay nawawalan na nag enerhiya sa pagkumpleto niya sa bawat lebel. Ang kaniyang comprehension at Intent ay ilang daan, kung hindi ilang libong beses nang mas mataas kaysa sa kaniyang cultivation at state of existence.

Sa ika-48th na palapag, ang enerhiya at lifeforce ni Liu Qinxin ay tuluyan nang nakonsumo. Sa pagharap sa huling palapag, nagamit na niya ang lahat ng kaniyang enerhiya at lifeforce upang makapasok dito. Ang mga alaala ay dito na huminto. Sa pinakahuling sandali, maaaring namatay si Liu Qinxin.

"Ang tunay na Liu Qinxin na hinahanap mo ay tiyak na namatay na sa ika-49th na palapag, o kung hindi, hindi ako lilitaw," mapait na sinabi ni Liu Qinxin. Nang banggitin niya ang "tunay na Liu Qinxin", ang kaniyang puso ay nagsimulang kumirot, tila ba hinihiwa ito ng mga patalim.

Matagal na nanahimik si Zhao Feng habang nakikinig siya at tinatanggap ang katotohanang ito.

Makalipas ang isang sandali:

"Kailangan kong pumasok sa ika-49th na palapag at tiyakin ang katotohanan," si Zhao Feng ay puno ng pagkadesidido.

Ang Liu Qinxin sa harapan niya ay maaaring isang phantom na ginawa ng kapangyarihan ng Fan Lun Ancient Sound Palace, at kahit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi nakikita ang katotohanan dito.

"Subalit, sa lakas na mayroon ka, wala sainyo ang makakalagpas sa aking yugto," sambit ni Liu Qinxin.

Walang makakalagpas? Nagtinginan ang grupo sa isa't isa, subalit hindi naman sila naghihinala. Kailangang malaman ng isang tao na si Liu Qinxin ay nakapagpas na hanggang sa ika-48th na palapag at pumasok siya sa ika-49th na palapag. Ang mastery niya ng Dao of Entertainment ay nakaabot na sa tugatog ng isang era.

"Liu Qinxin, kung kilala mo si Zhao Feng at mahal mo siya, hindi ba maaaring padaliin mo ito?" Hindi mapigilang banggitin ito ni Li Xueyi.

"Ito ang mga patakaran ng Fan Lun Ancient Sound Palace. Hindi ako maaaring lumabag dito," umiling ang babae, at nagsibagsakan ang mga puso ng grupo.

Nakatayo nang hindi gumagalaw si Zhao Feng, at labis siyang nabalisa nang tumingin siya sa direksyon ng ikaw-49th na palapag. Kung patay na talaga siya, nais niyang makita ang kaniyang bangkay. Pakiramdam ni Zhao Feng na siya ay isang hakbang na lamang mula sa katotohanan.

"Feng," biglang nagsalita ang babae, "Ikaw lamang ang makakatalo sa akin, at ikaw lamang ang tanging makakahanap ng paraan."

May isang tanging paraan lamang? Naging kalmado si Zhao Feng at nagsimula na siyang mag-isip. Dahil cinultivate niya ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, maaari niyang hatiin ang kaniyang isipan upang maging isang libong kaisipan ito at makakapag-isip siya nang mabilis dahil dito.

Kapaitan ang lumitaw sa kaniyang mukha nang maalala niya ang paraan na ito. Ang pustahang ginawa nila noon malapit sa Flooding Lake City ay lumitaw sa kaniyang isipan. Sa oras na iyon, tinanggalan ni Liu Qinxin ng selyo ang kaniyang cultivation, at siya ay nasa True Spirit Realm talaga. Hindi talaga siya kayang tapatan ni Zhao Feng, subalit nanalo pa rin siya.

Sa pag-isip hanggang dito, humakbang papalapit si Zhao Feng nang mayroong isang makapangyarihang daluyong ng Eye Intent ang kumawala mula sa kaniyang God's Spiritual Eye. Isang mala-panaginip na kapangyarihan ang biglang pumuno sa ere.

"Qinxin, alam mo ba na nanlambot ang puso ko noong una kitang makita?" Puno ng emosyon si Zhao Feng nang marahan siyang lumakad patungo kay "Liu Qinxin."

Sa isang mala-panaginip na kulay lilang liwanag, ang eksena ay naging isang lugar malapit sa Flooding Lake City.

"Totoo ba ito?" Ang mga mata ng babae ay nagsimulang mamula at maluha.

"Qinxin, napagdesisyunan kong gawin kitang asawa," ang boses ni Zhao Feng ay puno ng emosyon. Hindi lamang niya pinagsanib ang illusionary power ng kaniyang God's Spiritual Eye sa eksena – dinagdag din niya ang sarili niyang mga emosyon. Sa loob ng Fan Lun Ancient Sound Palace, mahigpit na nagyakap sina Liu Qinxin at Zhao Feng.

"Paano…?" Pakiramdam ni Zhao Feng ang amoy at ang paghawak at ang init ng kaniyang balat ay totoong-totoo, at nakita ng kaniyang God's Spiritual Eye na ang kaniyang katawan ay gawa sa tunay na laman at dugo.

"Masiyadong totoo ito upang maging panaginip," natulala si Zhao Feng.

"Ang pinakamataas na antas ng ilusyon ay ang katotohanan," ang magandang babaeng tangan niya ay nagsimula nang maglaho, subalit tumingin pa rin siya kay Zhao Feng na mayroong malalim na mga emosyon.

Isa ka bang tunay na nilalang? Mga alon ang rumagasa sa puso ni Zhao Feng. Ang pinakamataas na antas ng ilusyon ay katotohanan?

"Feng, nasa iyo ang ika-siyam na God's Eye. Narinig mo na ba ang alamat ng Ancestor Eye?" Sambit ni Liu Qinxin.

Ang alamat ng Ancestor Eye? Walang oras si Zhao Feng upang isipin kung paano nalaman ni Liu Qinxin na nasa kaniya ang ika-siyam na God's Eye.

Malinaw na, nang magtipon-tipon ang Eight Great God Eyes, ang supreme Ancestor Eye ay maaaring bawiin ang mga laws of universe. Subalit, hindi maaaring mabuksa nang Ancestor Eye dahil ang lahat ng nasa mundo ay panaginip lamang. Kapag bumukas ang Ancestor Eye, ang "panaginip" ay mababasag.

Ang Liu Qinxin ba na nasa harapan niya ay tunay o peke? Hindi ito masabi ni Zhao Feng.

"Feng, hanapin mo ang totoong Liu Qinxin. Matapos maintindihan ang kapalaran ni Fan Lun, ang kaniyang kapalaran niya ay nabubuhay pa rin kahit na namatay na siya," ibinigay ni Liu Qinxin ang kaniyang huling mariing titig kay Zhao Feng. Tila ba naglalaman ito ng kaniyang lahat ng emosyon at life essence.

Shua!

Ang imahe sa harapan nila ay naglaho, at napagtagumpayan na ni Zhao Feng ang yugtong ito. Subalit, walang maramdaman si Zhao Feng at nadismaya siya. Kahit na natalo niya si Liu Qinxin, ang paraang ginamit ay kagaya noong nakaraan – sinulit lamang niya ang mga kahinaan ng kaniyang puso.

"Nakalagpas na tayo sa ika-48th na palapag" Ang mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin Palace at si Li Xueyi ay nagpakita ng mga nagagalak na ekspresyon. Ang sunod na palapag ay isang supreme level ng Fan Lun Ancient Sacred Palace.

Miao!

Ang titig ng munting pusang magnanakaw ay napunta sa pader. Bukod rito, walang nakapagtanto na ang litrato sa pader ay mariing tumitig kay Zhao Feng na mayroong nasasaktang ekspresyong bago maging isang hamog at tuluyang naglaho.

"Zhao Feng, malalaman natin ang katotohanan matapos nating makapasok sa ika-49th na palapag," sambit ni Li Xueyi. Ang lahat ay inaasahan din ito.

"Sige," tumango si Zhao Feng at pinangunahan ang daan patungo sa ika-49th na palapag.

Wala nang natitirang mga hakbang sa dulo ng ika-49th na palapag. Mayroon na lamang isang malaki at misteryosong alapaap sa itaas nila. Sa ibaba ng alapaap ay mayroong isang palasyo na may hugis na isang gulong. Ang materyal ng palasyo ay tiyak na kagaya ng isang nakita nila mula sa labas, subalit ang mga tao sa loob nito ay nakikita ang misteryosong alapaap mula sa ibaba. Ang misteryosong alapaap ay naglalaman ng isang hindi nahaharang na presyon.

"Destiny?" Pakiramdam ni Zhao Feng na ang hugis-gulong na palasyo ay marahang umiikot sa alapaap.

"Ito ba ang huling Intent ng Dao of Entertainment?"

Lahat sila ay nakaramdam ng hindi mailarawang kapangyarihan ng Destiny sa alapaap.

Ang isang lugar sa alapaap ay biglang nagliwanag.

"Iyon ang …!!"

Ang lahat ay napatingin mula sa alapaap patungo sa isang tao. Sa mas tiyak na salita, ito ay isang babaeng mayroong mala-yelo sa puting balat. Mayroon siyang isang putting damit, at siya ay misteryosong konektado sa alapaap.

"Qinxin!" Masasabi ni Zhao Feng mula sa likuran ng babaeng ito na siya si Liu Qinxin.

Whoosh!

Kumislap si Zhao Feng sa tabi ni Qinxin at nakita na mayroon siyang isang nakakatulalang ngiti sa kaniyang mukha, subalit nanigas ang katawan ni Zhao Feng nang tumitig siya sa isang hindi gumagalaw na anyo.

"Bangkay na ito. Walang kahit anong senyales ng buhay dito," sambit ng Palace Master. "Patay na siya," isang kakaibang liwanag ang kumislap sa mga mata ng batang Demigod. Hindi pa nabubulok ang bangkay kahit pitong taon na ang nakalipas. Sa halip, mas naging perpekto pa ito. Ang kaniyang balat ay napakakinis at nagpapakawala ito ng isang mahalimuyak na amoy.

Nang tumahimik ang lahat, may isang hindi inaasahan na nangyari.

下一章