webnovel

Tagumpay

編輯: LiberReverieGroup

"...kung susuwayin ko ang batas at tutulungan ka, malaking panganib din iyon sa akin."

Malinaw ang gusto ng Eternally Sealed Palace Lord.

Kahit na handa na si Zhao Feng sa ganitong resulta, nanlamig pa rin ang kanyang puso, tila nabigo.

"Wala ba talagang paraan?"

Hindi sumuko si Zhao Feng.

"Wala talagang paraan. Nasa ibang dimensyon ang Spiritual Sacred Land, kaya makakapasok lamang doon gamit ang mga espesipikong pasukan o gamit ang Spiritual Zone Teleportation Array, ngunit ang dalawang paraan na iyon ay mayroong bantay sa Spiritual Sacred Land. Halos imposible ang makapasok doon."

Saad ng Eternally Sealed Palace Lord. Bilang isang Void Ocean Palace Lord, mula siyasa Spiritual Zone Teleportation Array kaya alam niya ang batas.

Naintindihan na ni Zhao Feng ang problema matapos itong marinig. ang pinaka mahirap na parte ay ang pagbabawal nila sa mga taga labas.

Sa katotohanan, hindi mahirap sa Eternally Sealed Palace Lord na ipadala si Zhao Feng sa Void Ocean Spiritual Palace malapit sa True Martial Sacred Land, ngunit ang Spiritual Sacred Land ay isang sagradong lugar ng cultivation na hindi maikukumpara sa mga normal island forces.

Tanging mga three-star forces lamang ang naroon, at lahat nang mahahalaga at kakaibang mga resources na naroon ay para lamang sa mga miyembro.

"Maliban na lamang kung magiging miyembro ka ng Spiritual Sacred Land, ngunit kailangan mo munang pumasok sa True Martial Sacred Land upang magawa iyon."

Hindi maiwasan ng Eternally Sealed Palace Lord na mapailing, at napa buntong-hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Hindi niya maiwasan na isipin na kung hindi siya makakapasok sa Spiritual Sacred Land, ang pinaka magandang gawin ay pumunta sa malapit na Void Ocean Spiritual Palace.

"Nasa iyo ang Spiritual Palace Gold Token, kaya kung handa ka na gumastos ng malaking halaga ng Primal Crystal Stone para sa array, maaari kitang ipadala sa Spiritual Palace na malapit sa Sacred Land."

Maaari iyong gawin ng Eternally Sealed Palace Lord, at nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Hinintay ng Eternally Sealed Palace Lord ang sagot ni Zhao Feng habang naka ngiti, at interesado siyang malaman kung bakit nagmamadali si Zhao Feng na makapasok sa Spiritual Sacred Land. Sa talento ni Zhao Feng, madali lamang siyang makakapasok sa Spiritual Sacred Land sa loob ng ilang taon sa pamamagitan nang regular na daan.

"Senior,maaari ba kitang tanungin tungkol sa isang tao?"

Biglang tanong ni Zhao Feng. Ang dahilan nang pagpunta niya sa Spiritual Sacred Land ay upang hanapin ang isang tao.

"Sino 'yon? Nanatili ako nang ilang daang taon sa sa Spiritual Sacred Land, kaya kilala ko ang karamihan sa sikat na mga tao."

Malakas ang loob ng Eternally Sealed Palace Lord.

Huminga nang malalim si Zhao Feng kasabay nang pagtunog ng mga salita ng Purple Saint Spirit sa kanyang isipan:

"Zhao Feng, pumunta ka sa True Martial Sacred Land at hanapin mo ang taong tinatawag na Duanmu Qing gamit ang aking Purple Saint Token, ngunit hindi ako sigurado kung buhaypaang taong iyon o hindi na. Kung buhay pa, matutulungan ka niya. Mapagkakatiwalaan siya."

"Kilala mo ba si Duanmu Qing?"

Tanong ni Zhao Feng.

"Duanmu Qing? Duanmu… hindi kaya't…?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng Eternally Sealed Palace Lord.

Duanmu Qing!

Halata ng pagbabago sa ekspresyon ng Eternally Sealed Palace Lord.

"Hindi kaya't may konekayon ka kay Duanmu Qing!?"

Sabik ang tono ng Eternally Sealed Palace Lord habang tinatanong si Zhao Feng. Halatang ang pangalang Duanmu Qing ay naging dahilan upang magulat ang Eternally Sealed Palace Lord.

Huminto sandali si Zhao Feng bago sumagot, "Senior, si Duanmu Qing ay kaibigan ng aking ninuno, ngunit ang aking ninuno ay malapit nang mamatay at inutusan akong hanapin siya sa True Martial Sacred Land."

Matapos itong marinig, nag-iba ang tingin ng Eternally Sealed Palace Lord kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, kung totoo ang iyong sinasabi, handa akong sumugal sa panganib at tulungan ka na hanapin si Duanmu Qing."

Biglang nabaligtad ang mga sinabi ng Eternally Sealed Palace Lord

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na makaramdam nang kakaiba. Masyadong mabilis ang pagbabago ng Eternally Sealed Palace Lord.

Kanina lamang ay ayaw sumugal ng Eternally Sealed Palace Lord na tulungan si Zhao Feng, ngunit matapos marinig ang pangalan na Duanmu Qing, gusto niya nang tumulong.

"Salamat, Senior."

Halatang hindi ito tatanggihanni Zhao Feng at agad siyang nagpasalamat.

Matapos mag-usap nang ilang sandali:

"Zhao Feng, bumalik ka na at magpahinga. Kailangan kong makausap ang ilang mga kaibigan ko upang magawa ito."

Mas naging palakaibigan ang tono ng Eternally Sealed Palace Lord.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapabulong sa sarili matapos maka balik sa kanyang silid, "Mukhang buhay pa si Duanmu Qing at mataas ang kanyang estado sa Spiritual Sacred Land."

Ito ay magandang balita para sa kanya.

Sa oras na ito, nagsimulang mg cultivate si Zhao Feng at nag hintay ng balita.

Sa ngayon, ang kanyang pomus ay palakasin ang pundasyon ng kanyang Core Center.

Ang kapaligiran ng Void Ocean Spiritual Palace ay mas maayos kaysa sa ibang normal island zones, at malaki ang tulong nito sa cultivation.

Gamit ang Spiritual Palace Gold Token, binili niya ang Wind at Lightning elemental resources sa mas magandang presyo mula sa mga opisyales.

Sa isang kisap-mata, kalahating buwan na ang nakalipas at pabilis nang pabilis ang cultivation ni Zhao Feng.

Ang maliit na Core Center na kasing laki lamang ng dilaw na buto sa loob ng dantian ay naging maliit na bilog na.

Walang bottleneck sa kanya upang umabot sa Great Origin Core Realm. Ang kailangan lamang niya ay oras bago ang kanyang stateof existence, katawan at kaluluwa ay umabot sa lebel ng Great Origin Core Realm.

Nakapasok na rin si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm nang dalawang beses sa kalahating buwan, ag natanggap niya na ang aura sa kanyang kaluluwa. Gayunpaman, noong umabot na ang kanyang kaluluwa sa Great Origin Core Realm, nagsimulang bumaba ang epekto nito, habang ang progreso sa state of existence at katawan ni Zhao Feng ay kasing bagal na ng pagong.

Sa kanyang heart blood essence naman, wala na itong gamit kay Zhao Feng.

"Ang aking stateof existence ay umabot na sa hangganan ng Great Origin Core Realm, ngunit dahilang aking kaluluwa ay hindi pa umabot sa Great Origin Core Realm, mayroon pa rin itong epekto."

Nagsimulang mag plano si Zhao Feng. Kung hihigupin lamang niya ang Ancient Dream Realm aura, ang epekto nito ay maaring hindi na lamang pansinin.

Ibig sabihin nito ay kailangan niya magpokus sa Ancient Dream Realm.

Pitumpu't limang hinga… walumpung hinga… walumpu't limang hinga… siyamnapung hinga…

Tumayo si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm at ang kanyang rekord ay umabot na sa siyamnapung hinga, malapit na sa kanyang mithiin sa isang daang hinga.

Sinubukang humakbang ni Zhao Feng, ngunut agad na nadoble ang presyur.

Wah!

Sumuka si Zhao Feng ng dugo at bumalik sa katotohanan.

Sa oras na ito, may natitirang aura pa rin si Zhao Feng sa kanyang katawan.

Shua!

Sa isang hampas ng kamay, isang cursed ghost corpse ang lumitaw sa harap ni Zhao Feng.

"Galaw."

May kaunting kontrol si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm aura at sumanib siya sa katawan ng cursed ghost corpse.

Matapos maka higop ng ilang Ancient Dream Realm aura,mas nakontrol ito maigi ni Zhao Feng. Noong mahigop ng cursed ghost corpae ang Ancient Dream Realm, tila may nangyari.

Mas sinuri ito ni Zhao Feng.

"Hmm? Mukhang mas naging malakas ang katawan ng ghost corpse, at ang power of curse at air of Death at Yin ay malapit na sa pinagmulan…"

Konklusyon ni Zhao Feng.

Ang aura ng Ancient Dream Realm ay tila may epekto sa kahit anong bagay, kahit ano pa ang elemento. Ang epektong mayroon ito sa cursed ghost corpse ay kapareho sa epekto nito kay Zhao Feng.

"Ngayon na kaunti pa lamang ang epekto ng aura, sasaniban ko ng kaunting Ancient Dream Realm aura ang bawat cursed ghost corpse."

Mas naging abala si Zhao Feng sa mga sumunod na araw, at dahil maaari siyang manatili sa Ancient Dream Realm nang mas matagal, mas maraming aura ang makukuha niya.

Apat hanggang limang araw,bawat cursed ghost corpse ay matagumpay na nakakuha ng kaunting Ancient Dream Realm aura.

Sa Ten Thousand Ghost Pearl, ang Skeletal Division Leader ay nakita ang pagbabago sa bawat cursed ghost corpses at siya ay nagulat.

"Ang lakas at potensyal ng bawat cursed ghost corpses ay tumaas. Noon, mapapalakas lamang sila hanggang half-step Origin Core Realm, ngunit ang potensyal na mayroon sila ngayon ay sobrang taas na."

Ang Skeletal Division Leader ay halatang may mas alam sa mga cursed ghost corpses, at mas alam niya ang mga pagbabago kaysa kay Zhao Feng.

Matapos ang sampung araw, pinapunta ng Eternally Sealed Palace Lord si Zhao Feng sa kanya.

"Senior, ano na ang nangyari?"

Bahagyang nawawalan na nang pasensya si Zhao Feng.

Ang susunod na sandali ay maaaring magbago sa kanyang kapalaran, kagaya noong nakilala niya si Lord Guanjun at pumasok sa mundo ng cultivation.

"Zhao Feng, kumpleto na ang plano. Malapit na kitang magulungan na makapasok sa True Martial Sacred Land."

May magandang ngiti ang Eternally Sealed Palace Lord.

Magaling!

Nagpakita nang masayang mukha si Zhao Feng.

"Ito ang guest token mula sa Spiritual Sacred Land, at mahirap itong kuhanin. Nakuha ko ito matapos ang malaking pagsisikap."

Isang guest tokenang lumitaw sa kamay ng Eternally Sealed Palace Lord. Ang token ay purong jade at may gintong linya. May isang salitang naka ukit dito: Guest.

"Isang guest token?"

Nahulaan ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito.

"Ang guest token na ito ay maaaring magpapasok sa mga hindi miyembro ng Sacred Landa na makapasok sa True Martial Sacred Land sa isang sandali, ngunit may mga limitasyon ito…"

Paliwanag ng Eternally Sealed Palace Lord.

Isang guest token. Kinuha ni Zhao Feng ang guest token at nakita na ang materyal nito ay kahalintulad sa Purple Saint Token.

"Mayroong limitadong oras ang token na ito; maaari ka lamang manatili sa True Martial Sacred Land sa loob nang sampung araw."

Paalala ng Eternally Sealed Palace Lord.

"Sampung araw? Masyado iyong maiksi…"

Saad ni Zhao Feng sa sarili habang tinatago niyaang token.

"Bahagyang maiksi ang oras. Ang tagumpay at kabiguan ay nakasalalay sa iyong pagkilos sa sampung araw, at mayroon itong panganib na kaakibat."

Sumang ayon ang Eternally Sealed Palace Lord.

Nagsikap siyang maigi upang makuha ang sampung araw na guest token.

Binigay na ng Eternally Sealed Palace Lord ang detalye.

"Una, imposibleng direkta kitang mapadala sa Spiritual Sacred Land mula rito dahil ikaw ay isang bisita ay hindi miyembro ng Sacred Lands. Kahit ipadala kita, mayroon pa ring mga eksperto ang magbabantay."

Pinutol na ng Eternally Sealed Palace Lord ang ganoong klaseng ideya.

"Ang unang hakbang ay ipadala ka sa Void Ocean Spiritual Palace na malapit sa Sacred Land."

"Ang ikalawang hakbang ay kailangan mong pumasok sa Sacred Land kasamaang ibang sekta at ang iyong guest token ay mula sa sektang iyon."

Sinabin na sa kanya ng Eternally Sealed Palace Lord ang plano at binigay ang mga detalye.

"Kahit na medyo mahirap, gamit ang Spiritual Zone Teleportation Array makakabawas na ito nang ilang taon."

Tumango si Zhao Feng matapos malaman ang lahat.

下一章