Sa loob ng protective array ng martial arts field, ang mananalo sa tatlong Sovereigns ay agad nang napagdesisyunan.
Pinigil ni Li Yunya ang gulat sa kanyang puso nang ngumiti siya nang mapakla.
Bago ito, nababahala lamang siya kay Zhao Feng dahil sa eye-bloodline nito, pero napatunayang, kahit wala ang eye-bloodline nito, si Zhao Feng ay isang taong hindi dapat kalabanin ng isang nasa Small Origin Core Realm.
Ang kombinasyon ng dalawang nasa huling yugtong Origin Core Realms ay wala lang sa harap ni Zhao Feng, at pati nga ang Skeletal Division Leader ay nawala pa ng braso kahit nasa flaming bone giant state ito.
"Talagang mas malakas na talaga si Zhao Feng kaysa sa akin. Kahit wala ang Dark Heart Seed, wala na talaga akong tsansa laban sa kanya."
Ang mga mata ng Skeletal Division Leader ay puno ng takot. Habang lumalaki ang agwat nilang dalawa, natatakot siyang lalong lumiit ang halaga niya kay Zhao Feng at baka bigla na lamang siyang itapon nito.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者