"Zhao Feng, ikaw…"
Tinignan ni Tiemo ang kabataang may kulay asul na buhok na tila hind siya makapaniwala.
Ang mga manonood ay napasigaw sa gulat.
Sa huling pagkakataon, nang hahatiin na sana ng Iron Blood Religion Deputy Patriarch si Empress Qin sa dalawa, biglaang nakialam si Zhao Feng at sinalag ang atake.
Isang suson ng kulay asul ang bumalot sa katawan ni Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng Wheel of Light and Dakness ay hinigop lamang ng asul na suson na tila ba isang bato na nalaglag sa karagatan.
Bakit naman ako hinarang ni Zhao Feng?
Kahit na gustong malaman ni Tiemo ang dahilan, mas nagulat siya sa lakas ni Zhao Feng.
Ang Wheel of Light and Darkness ni Deputy Patriarch ay hindi kayang wasakin ang bloodline defense ni Zhao Feng.
Sigurado si Tiemo na kahit ang isang Peak True Lord Rank ay hindi agad-agad na mahaharang ang Wheel of Light and Darkness.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者