webnovel

Bagong Napakahusay na Prodigy

編輯: LiberReverieGroup

Ito ay isang labanan ng mga 'Napakahusay na Prodigies' at maraming mga manonood doon.

Sa loob ng bula ng liwanag, ang mga henyong nasa malapit na nanonood ay nagsimulang magtipon-tipon mula sa isang dosena hanggang sa ilang mga dosena.

Sa isang nag-iisang bundok sa direksyon ng Hilagang-Kanluran.

Isang mabangis na two- headed four-armed ang nanonood sa labanan mula sa malayo.

"Zhe zhe zhe… Maghintay tayo hangga't parehas na silang napinsala at sunod ay sumugod tayo at patayin silang lahat."

Tumawa ang dalawang pinuno ni Taiyun Shuangzi.

"Ang p*nyetang Goddess Bing Wei na iyon ay gusto tayong gawing sunod-sunuran, zhe zhe, hindi kami ganoon kadali utuin. Walang puwede mag-utos sa amin."

Ngumiti sa masamang paraan si elder Taiyun Shuangzi.

Hindi pumayag si Taiyun Shuangzi na kumilos kasama ni Goddess Bing Wei subalit siya ay pasikretong nanonood.

Naging maayos ang sitwasyon, si Goddess Bing Wei at ang kasamahan niya ay talagang nagpunta upang lumaban.

Ang 'biktima' sa mga mata ng overwhelming prodigy ay mas malakas pa kaysa sa inaakala at nalagpasan pa nito ang overwhelming prodigy.

"Eh, talagang nalagpasan na ang lalaking batong iyon."

"Hindi na makakapalag ang lalaking bato."

Gulat ang mukha ni Taiyun Shuangzi at hindi siya makapaniwalang tumingin sa lugar na pinaglalabanan.

Malapit sa ilog.

Itinira ni Zhao Feng ang kaniyang Eye of Ice Soul at nanigas ang kamalayan ni Shi Chengtian habang siya ay tumatakbo sa mga kanto.

Beng~~ Sou! Sou!

Ang bawat atake ng Luohou Bow ay nagdulot upang manginig sa lamig si Shi Chengtian.

Roar!

Umatungol si Shi Chengtian patungo sa alapaap subalit hindi niya mabago ang katotohanan na siya ay bumabagal.

Malakas siya subalit hindi siya makalapit sa kaniyang kalaban. Gaano ito kalungkot?

Kahit na malakas ang depensa niya ang Luohou Bow ni ay tumutok sa kaniyang mga tuhod at sunod-sunod na tumira roon, naglalagay ng sunod-sunod na pinsala.

Sa paglipas ng oras ang isipan ni Shi Chengtian ay napipinsala.

Kung wala siyang isang soul protection, ang pinsala sa kaniyang isipan ay mas lalala ng ilang beses.

Halata na bago pa man ang Sacred True Dragon Gathering ang mga elders ni Shi Chengtian ay binigyan siya ng isang soul protection item upang mabawi ang kaniyang kahinaan sa mental energy.

Sinaunang arena.

Ang estante ng mga manonood at ng entablado kabilang ang mga Sovereigns ay nanonood sa labanang ito.

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

Nagsigawan sa paghanga ang mga juniors.

"Hindi kapani-paniwala, ang kaniyang bilis ay sapat na para maging isang bagong Napakahusay na Prodigy."

"Bago pa niya labanan si Goddess Bing Wei halos kaya niya lamang maging tabla sa labanan subalit ngayon ay madali lang niyang nabubugbog si Shi Chengtian."

Higit pa siyamnapu't siyam na porsyento ng mga manonood ay nakatutok sa labanang ito.

Simula sa umpisa ng Sacred True Dragon Gathering, isang bagong henyo ang nagtagumpay sa pagiging isang Napakahusay na Prodigy.

"Brother Zhao.... Nakaabot ka na sa hakbang na ito. Sasabihin ko ang balitang ito sa Thirteen Countries at sasabihan si Master sa Broken Moon Clan."

Puno ng luha si Yang Gan habang nanginginig ang kaniyang katawan sa kagalakan.

Sa pagkakataong ito halos nabaliw na siya sa sobrang kaligayahan.

"Nakagawa ang Broken Moon Clan ng ganitong henyo. Naniniwala ako na kayang baguhin ni Brother Zhao ang sitwasyon ng Cloud are kapag bumalik siya sa Thirteen Countries."

Labis na nagagalak si Yang Gan at siya ay lubos na umaasa.

Sa kasalukuyang bilis ng lago ni Zhao Feng, tiyak na kaya niyang magpataas pa sa mga inheritances matapos ang Sacred True Dragon Gathering.

Sa entablado.

Tahimik na nanood ang siyam na sovereigns sa labanan ni Zhao Feng at ni Shi Chengtian.

"Tiyak na nakaabot na si Zhao Feng sa level ng Napakahusay na Prodigy. Ito ang ika-anim na Napakahusay na Prodigy ng Sacred True Dragon Gathering. Magkakaroon pa ba ng ika-pito o mas higit pa?"

Sinabi ng bronze skinned Deputy Palace Lord sa isang mababang boses at mayroon siyang pag-asa sa kaniyang mga mata.

Wala nang kumuwestiyon sa lakas ni Zhao Feng at ang kaniyang estado ng pagiging 'Napakahusay na Prodigy'.

Sa loob ng labingpitong taon siya ay naging isang ng Napakahusay na Prodigy at sa henerasyon na ito si Yu Tianhao at ang ilang mga tao lamang ang maaaring maikumpara.

"Ang lakas ni Zhao Feng ay hindi masiyadong iba mula kay Shi Chengtian subalit palagi niyang nakikita ang kahinaan ng kalaban."

Bumuntong-hininga ang Mystic Sword Sovereign.

"Tama 'yan. Walang kahit anong bagay na perpekto sa mundong ito at kayang hanapin ni Zhao Feng ang bawat kahinaan. Ito ang kaniyang alas."

Tumango si Green Moon Sovereign. Malaki ang ibinigay niyang atensyon kay Zhao Feng at sa umpisa dahil ito sa munting pusang magnanakaw.

"Subalit… kung magpapatuloy ito, maaaring hindi na makagalaw ang binti ni Shi Chengtian."

Kumunot ang mga kilay ng isang Sovereign.

Ang bawat Napakahusay na Prodigy ay ang mga piling tao ng kontinent. Maaaring masabi na sila ang mga Sovereigns ng hinaharap na nagdidikta ng kapalaran ng kontinente.

Kung kaya nilang gwin ang lahat hindi hahayaan ng Sacred Alliance na may mapinsalang kahit sinong prodigy, kahit na gasgas lamang ito.

Sa loob ng bula.

Natiis ng tuhod ni Shi Chengtian ang mga atake ng Luohow Bow sa loob ng ilang sandale at nang siya ay lumakad, siya ay paika-ika.

"Dose-dosenang mga pana…. Ang bawat isa ay naglalaman ng kapangyarihan ng yelo at ng kidlat at isa itong banta sa mga nakakapanlulang mga prodigies, subalit nagdulot ito sa kaniya ng ganito kalaking pinsala."

Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng nang pakawalan niya ang kaniyang pana.

Kahit ang isang True Lord Rank ay mapipinsala kung hindi siya mamamatay sa ganitong mga atake.

Siyempre.

Sa dose-dosenang paghinga napagdesisyunan na kung sino ang nanalo.

Napinsala ang isipan ni Shi Chengtian at ang kaniyng mga reaksiyon ay mabagal. Ang pinsala sa kaniyang tuhod ay nakapagpagal ng kaniyang movement speed.

Kayang wasakin ni Zhao Feng si Shi Chengtian kahit sa malapitang labanan na.

"Walanghiyang bastardo… huwag kang masiyadong mayabang."

Sumagot si Goddess Bing Wei at sumunggab mula sa malayo.

Sa oras na ito, wala na siyang pakialam tungkol sa pangako niya kay Shi Chengtian.

"Huli na ang lahat."

Ngumiti si Zhao Feng at itinabi ang Luohou Bow at isang kislap ng asul na lightning flame ang kumintab sa kaniyang mga mata.

Lightning Fire God's Eye!

Ang Lightning Fire God's Eye ni Zhao Feng ay unang tumutok sa katawan ni Shi Chengtian.

"Hindi maganda!"

"Patigilin niyo siya!"

Ang mga ekspresyon ng Sovereigns ay lahat labis na nagbago.

Bago ito ang kidlat at yelo ni Zhao Feng ay tuloy-tuloy na pinabagsak ang katawan ni Shi Chengtian at ang balat ni Shi Chengtian ay naging matigas at makunat.

Sa oras na lumapag ang Lightning Fire God's Eye kay Shi Chengtian, ang mabilis na pagbabagos sa init ay magdudulot ng malaking panganib parehas sa kaniyang katawan at isipan.

Subalit.

Kahit alam nila ito wala pa ring magawa ang mga Sovereigns.

Ang Sacred True Dragon Gathering ngayon ay wala na sa kontrol at ang lahat ay nakadirekta na sa sinaunang arena.

Sa isang iglap nakaramdam din ng isang kritikal na panganbi si Shi Chengtian na lumitaw sa kaniyang puso.

Ginawa niya ang lahat ng kaniya at inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa ulo niya at sunod ay lumuhod sa sahig. Sa ganitong paraan maiiwasan niya ang atake at mababawasan ang pinsala.

Boom!

Sa halip isang lightning flame ang lumapag kay Goddess Bing Wei.

"Si! You…."

Natulala si Goddess Bing Wei nang mayroong sumabog na lightning fire at siya ay lagliyab. Ang transparent na kidlat at apoy ay mabilis na nakapagpaguho ng kaniyang mental energy level at nagsimula itong masunog.

Halata na kayang tapatan ng Lightning Fire God's Eye ang ice skills ni Goddess Bing Wei sa isang tiyak na antas at halata ang epekto nito.

Kumpara sa kaniyang Lightning Fire God's Eye sa unang round, ito ay nakaabot sa isang panibagong mundo.

Nitong mga nakaraang araw nahigop ni Zhao Feng ang mas puro pang Lightning Yuan Qi at sinadya niyang i-refine ang kaniyang True Spirit Lightning Flame.

Ikinagulat ni Goddess Bing Wei ang biglaang atake na ito at ang kaniyang isipan ay biglang bahagyang napinsala nang masunog ang kaniyang mala-nyebeng balat.

Hu~

Sa kabilang banda hinawakan ni Shi Chengtian ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang mga kamay subalit napahinga siya ng malalim nang mapagtanto niya na hindi lumapag sa kaniya ang Lightning Fire God's Eye.

Ang eye bloodline skill ni Zhao Feng ay napakabilis at tiyak na maaari siyang umatake bago niya tinakpan ang kaniyang ulo at lumuhod sa sahig.

Kung malupit si Zhao Feng kayang paguhuin ng Lightning Fire God's Eye ang tuhod ni Shi Chengtian.

"Bakit hindi niya ako inatake?"

Pakiramdam ni Shi Chengtian na parang nabuhay siyang muli.

Sa oras na ito, natuklasan niya na si Goddess Bing Wei ay nasugod na ng Lightning Fire God's Eye at siya ay bahagyang nalapnos.

Ang lugar kung saan nagkakagulo ay malapit sa ilog.

Ang dalawang napakahusay na prodigies na sina Shi Chengtian at si Goddess Bing Wei ay nasa sahig at ang hangin sa bawat isa sa kanila ay parang gulo-gulo.

Ang mala-nyebe sa puting balat ni Goddess Bing Wei ay nalapnos, at ang kaniyang buhok ay umuusok. Parang hindi na siya isang 'Diyosa'.

Inilagay ni Shi Chengtian ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumuhod sa sahig. Isa sa kaniyang mga tuhod ay halos hindi na makagalaw at ang kaniyang mga pagkilos ay mabagal at matigas.

"Hahaha…."

Tawanan ang maririnig mula sa buong estante ng manonood.

"Ang Zhao Feng na ito ay labis na matalino kaysa sa inaakala."

Napahinga ang lahat ng Sovereigns.

Hindi tinapos ni Zhao Feng si Shi Chengtian at sa halip ginamit niya ang paraan ng 'panggulat'. Ang pagpuwesa niyang mapaatras ang dalawang napakahusay na prodigies ay epektibo at mas nakakatulala kaysa sa isa lamang ang kaniyang matatalo.

Siyempre, maraming mga tao ang nagulat sa hindi kapani-paniwalang kontrol ni Zhao Feng.

Umutungal ang mga alon sa puso ng mga nanonood na henyo.

Anong klaseng eksena ito?

Sa mga paningin nila ang mga kamay ni Zhao Feng ay nasa likod niya at ang kaniyang asul na buhok ay sumabay sa ihip ng hangin. Ang asul na lightning mystic flower mark sa kaniyng noo ay nagliwanag at matalim ang kaniyang mga mata nang siya ay tumingin sa dalawang lupaypay na mga napakahusay na mga prodigies.

Ang masamang batang ito ay parang isang Lord ng Wicked Path na siyang nangingibabaw sa sitwasyon.

Tinalo niya ang isang napakahusay na prodigy at pinuwersang umatras ang isa pa,

Anong klaseng mga paraan ito?

Ang mga henyong nasa loob at ang mga nasa labas ng bula pati na rin ang mga eksperto sa paligid ng kontinente ay pinigilan ang kanilang paghinga.

Maraming mga tao ang napapaisip kung anong klaseng era ito?

Una naroon si Yu Tianhao at ang ibang limang napakahusay na mga prodigies at ngayon ito pang halimaw na ito.

Sa maikling panahon parehas sina Shi Chengtian at si Goddess Bing Wei ay hindi gumalaw.

Si Goddess Bing Wei ay napinsala ng Lightning Fire God's Eye at ang kaniyang isipan ay bahagyang napinsala. Nakita niya na labis na napinsala si Shi Chengtian at nagdalawang-isip siya.

Sa pagkakataong ito.

Si Zhao Feng ay mayroong bighani na makaharap ang dalawang nakapahusay na prodigies ng mayroong lakas ng loob.

"Walanghiyang bastardo…."

Malamig na paglalayong pumatay na puno ng pagkamuhi ang kumislap sa mga mata ni Goddess Bing Wei.

Simula nakaabot siya sa level ng napakahusay na prodigy, kailan pa siya napahiya ng ganito?

Pinatay niya ang Lightning Fire at sinubukan niyang makipag-usap kay Shi Chengtian sa pamamagitan ng Spiritual Sense.

"Natalo ako."

Mapait na ngumiti si Shi Chengtian at wala siyang lakas ng loob na makipaglaban pa at bahagya pa siyang nagpapasalamat na hindi pinutol ni Zhao Feng ang kaniyang binti.

Ang pag-atras ni Shi Chengtian ay nagdulot upang si Goddess Bing Wei na lamang ang maiwan at nang siya ay tumingin kay Zhao Feng, kalamigan ang kumawala mula sa kaniya.

下一章