Iron Blood Religion, Thousand Water Chapter.
Mula sa bulwagan ng bagong Chapter Leader ang tunog ng kulog ay maririnig at ang lugar na pinalibutan nito ay napuno ng Heaven Earth Lightning Yuan Qi.
Sa dulo ay mayroon pang matatamlay na mga arko ng kulay lilang kidlat na gumawa ng isang nakakatulalang tanawin.
Kahit ang mga cultivators na nasa Ascended Realm o mas mataas pa na nasa loob ng sampung milya ay kayang maramdaman ang pagbabago rito.
"Tunay na karapat-dapat siyang makatanggap ng malaking importansyang galing sa Deputy Patriarch. Hindi pa siya labingpitong taon, subalit kaya niya nang maabot ang True Spirit Realm sa ganito kabatang edad. Bihirang mangyari ito kahit sa buong Canopy Great Country."
Umikot ang mga mata ni Die Ye habang binabantayan niya si Zhao Feng.
Sa karanasan niya, alam niya na maayos ang pagpoprogreso ni Zhao Feng at walang kahit anong kagipitan dito.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者